SPECIAL CHAPTER I

1.2K 49 8
                                    

KYOMI'S POV

"Uy Jah! Sigurado ka bang magugustuhan ni Felip to?"

"Oo naman. Wala ka bang tiwala samen?"

Si Justin ang tinanong ko pero si Stell iyong sumagot.

"Si Jah ka na ngayon Stell? Justin na pangalan mo?"

"Pfft! Ang tagal mo kasing sumagot."

"Eh kinakagat ko po kaya yung skatstape di inaabot sa akin ni Pablo yung gunting eh."

Nilingon ko si Sejun at hayun! Busy pala sa cellphone tapos may pangiti-ngiti pa.

"Aysus!"

Nilapitan nilang dalawa si Sejun at inagaw ang cellphone na siyang ikinagulat nang isa.

"Kaya naman pala! Si Hailey ang ka-text hihi!"

"Huy akin na nga yan!"

"Privacy ko yan ano ba! Isa, Stell."

Natawa ako nang mabilis pa sa alas-kwatro ang pagbalik ni Stell ng cellphone niya!

Sumeryoso kasi bigla ang itsura ni Sejun. Pati nga ako natakot.

"Pupunta naman mamaya si Hailey dito ah."

"Papunta na siya." Umikot paitaas ang mata nito nang sinabi iyon. Pfft.

Kanya-kanyang attitude talaga 'tong mga ka-miyembro ni Felip.

"Stell huwag mo nang guluhin si pinuno. Ngayon na nga lang 'yan kinilig eh."

Pangungutya ng bunso ngunit hindi pinansin ni Sejun.

"Ano, may gagawin pa ba?"

"Ha? Ah----wala na hehe. Tinapos ko na habang nag-aasaran kayo riyan."

"Kita niyo na! Tayo nagbigay ng idea na 'to kay Kyomi tapos hindi man lang kayo tumulong."

"Sejun, correction. Kanina pa kami tapos habang pa-cellphone, cellphone ka lang diyan."

"G----ganun ba? Sorry Kyomi."

Ngumiti ako sa kanila habang nililigpit ang mga excess na kalat.

"It's okay. Supportive ako sa lovelife niyo eh hahaha"

"Bakit ang daya mo Kyomi? Kay Sejun ka lang support?"

"Bakit? May lovelife ka na rin Stell?"

tanong pabalik ni Sejun sa kanya at bigla itong nanahimik.

"Ah---hehe---wala ah."

"Hmmm....." I gave him my meaningful look, mukhang may sasabihin pa siya ngunit hindi ko ito pinagsalita. "Don't worry, Shaira will come Stell."

"Shaira?!"-Sejun

Ang reaction naming dalawa ni Justin ay tawang-tawa dahil sa itsura ni Stell na nagba-blush.

Pero hindi na ako nagulat na walang ka-ide-ideya si Pinuno rito Pfft!

"Hindi mo ba nahalata Pinuno? Obvious kayang type ni Stell yung pinsan ni Kyomi na mataray."

"Weh? Di nga?"

"Bakit ba di mo man lang nahalata?"

"Eh close naman talaga si Stell sa babae eh."

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now