DATING KEN SUSON 25

1.3K 55 28
                                    

KYOMI'S POV

"Oh. Bakit ganyan mga itsura ninyo?"

Gulat silang dalawa ni Stell habang nakatingin sa aming tatlo.

I quickly look away at Sejun. I know I looked like a mess right now.

"S---si Felip n---nandito na ba?"

Utal-utal kong tanong.
Para akong maiiyak anytime.

Tumingala ako at nagbuntong-hininga para mapigil ang pagbabadya na namang pagtulo nang luha.

Kanina pa ako umiiyak sa sasakyan. Masyado kong pinag-aalala ang mga tao sa paligid ko.
Kailangan kong maging matatag.
Hindi ako ganito. Hindi ako mahina, pero pagdating sa kanya---

"Hindi pa nga rin umuuwi eh. Pumunta siya sa inyo diba Kyomi? Hindi ba kayo nagkita?"

Tanging iling lamang ang naisagot ko sa kanyang tanong. Kanina pa rin namin ito tinatawagan pero hindi niya sinasagot hanggang sa tuluyan nang hindi ma-contact ang cellphone niya.
I guess he turn it off.

"Hindi rin sumasagot sa tawag ko si Ken. Almost 11 PM na bakit kaya wala pa siya?"

Tumungo ako dahil ayokong makita nila ang mga luha na nagsisimulang pumatak muli.

Kasalanan ko itong lahat. Walang ibang pwedeng sisihin kung hindi ako. I chose to hide and lied to him kaya nagkakagulo ngayon.

"I---I'm sorry."

Pagkatapos ko iyong sabihin ay mabilis akong tumakbo palabas and there......

I cry my heart out.


JUSTIN'S POV

"Teka Kyomi!"

Dali-dali akong tumakbo palabas at hinabol siya!

Saan niya balak pumunta sa malalim na gabi?!

"Kyomi?"

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ito na nakasalampak sa pathway ng garden.

Lalapitan ko sana nang pigilan ako ni Josh.

"Let her cry now. Baka sa paraang yan mabawasan ang sakit na nararamdaman niya."

Tama ito. Iyak nga ng iyak si Kyomi habang paulit-ulit na sinasabi ang 'I'm sorry Felip'

"Tsk. Bakit ba ang immature ni Ken mag-handle nang relasyon?"

inis na sambit ni Josh habang naka-pamewang.

"Natatabunan lang ng galit yun dre. Tingnan mo sa susunod siya pa ang magkakandarapang bumalik kay Kyomi. Alam mo naman kung gaano karupok yun diba?"

"Iba 'to dre."

"Wanna bet?"

tanong ko sa kanya pero inirapan ako.

"Hindi dapat pinagpupustahan ang feelings ng tao. Tss."

Sabi ko nga eh.

"F----felip?"

Napalingon kami sa kinaroroonan ni Kyomi nang marinig ang pangalan ni Ken.

Pero parang hindi nito nakikita si Kyomi na sinusubukan siyang pigilan at tuloy-tuloy lang ito sa pagpasok sa dorm.

"Felip wait. Mag-usap m---muna tayo."

"Bitaw."

Saad ni Ken habang hindi nililingon si Kyomi na nakahawak sa braso niya.

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant