DATING KEN SUSON 26

1.4K 85 49
                                    

KYOMI'S POV

Nasa Van kaming lahat ngayon patungong Enchanted Kingdom.

Sa dami pa talaga nang pagdadalhan mo sa kanya Felip sa Amusement Park pa ah.

Nagkatinginan kami ni Angela and she smiled at me awkwardly kaya sinuklian ko rin iyon.

Katabi niya si Justin na nagpumilit na makatabi siya para hindi sila magtabi ni Ken pfft.

Si Ken naman ang katabi ni Justin.

"mukha kang stalker"

binalingan ko si Josh sa tabi ko na nang-aasar na naman.

"kelan pa naging stalker ang girlfriend?"

Tumaas ang isang kilay niya sa sagot ko.

"you and your guts Kyomi."

inaayos niya ang earphone niya at iniabot sa akin ang isa.

"para naman may magawa ka sa buhay mo hello kitty."

"Anong Hello Kitty?"

Pinanlakihan ko ito nang mata but he just laugh at me.

"Bakit? Kahawig mo kaya si Hello Kitty, parehas pa kayong singkit"

at talagang tatawa-tawa pa siya ah!

"so ibig mong sabihin mukha akong pusa?"

"oo pfft!!!"

Hinalbot ko ang cellphone niya kasi ang panget nang kanta. Buti pa yung mga music ni Felip-----
Napatigil ako sa paghahanap ng kanta sa playlist niya at ibinalik na lang sa kanya ang phone.

Nawalan na ako ng gana.

"oh bakit?"

"wala naman."

He smirked at me and siya na mismo ang naghanap nang bagong song.

Nilingon ko si Felip na tahimik at nakadungaw lang sa bintana.

*sigh*

I miss him so much.

Ano ba ang pwede kong gawin para kausapin niya ako?

Galitin ko kaya siya?

Kaso baka madagdagan lang ang inis niya sa akin.

Eh kung magkunware kaya akong nadapa sa harapan niya?

Oo tama!

Yun na lang, sigurado namang hindi niya ako matitiis kapag ganun ang nangyari.

Pasimple akong napangisi.

Never once cross in my mind that I will need to do some tactics para lang mapansin ni Felip dahil kahit wala naman akong gawin noon ay napapansin niya talaga ako or siya pa nga yung nagpapansin sa akin.

I guess, the table had turns.

Nang umayos ako nang upo ay nagtama ang paningin namin ni Josh.

K---kanina pa ba siya nakatingin sa akin?

"Josh bakit?"

Parang doon lang siya nabalik sa sarili nang tawagin ko.

"S---sorry"

Umiwas ito nang tingin sa akin at napansin ko rin ang pamumula nang kanyang mga tainga.

Hindi na niya ako kinakausap kaya hindi ko na rin siya ginulo.

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon