DATING KEN SUSON 14

1.7K 74 19
                                    

Yasmeen's POV


Nagising ako nang maramdaman kong wala na si Kyomi sa aking tabi. Dito kasi kami natulog sa condo unit ni Mira at magkatabi kami ni Kyomi sa guest room.

Nag-inat muna ako ng mga buto sa katawan at saka malakas na sumigaw!

"GOOD MORNING SUNSHINE!"

Hehe that's my daily routine pagkagising ko!

Malapad akong nakangiti habang pababa na ng hagdanan.

"Ang aga mo yatang nagising Miracle?" 8AM na ako nagising at siya mukhang kanina pa dahil medyo pawis na ito sa pagyo-yoga.

"This is my morning routine bessy."

Nakalatag ang kanyang yoga mat sa sahig at nag yo-yoga ito. Kaya naman napaka-sexy ng Diyosang 'to eh.

"Nasaan si Kyomi?"

"Nasa terrace yata."

Papunta na sana ako nang terrace upang puntahan ang babaeng mahaba ang buhok na tinalo pa si Rapunzel, kaso biglang may nag-doorbell. Nagkatinginan kami ni bessy pero nakakunot ang kanyang noo.

"I wasn't expecting visitor today."

"Ako na magbubukas." pagpi-prisinta ko.

Binuksan ko na ang pintuan at halos lumuwa ang aking mga mata sa nakita!

*BAM!!!*

OH MY GOSH!

AM I STILL DREAMING?

"Who is it bessy bakit bigla mong sinarado mo ang pinto?"

"S----si ano!!!!"

Tumayo si Miracle at lumapit sa akin habang kunot ang noo.

"Who?"

"S----si------"

"Bakit ba namumula ka?"

Pinausog niya ako at siya na ang nagbukas ng pinto.

"Oh Ken! Come inside."

"Thank you. Where is Kyomi?"

Inilibot nito ang kanyang paningin sa loob ng condo at napahinto ang kanyang paningin sa akin!

OH MY GOSH!

IT IS REALLY THE FAMOUS KEN SUSON!!!!

Parang gusto kong magtatalon at umirit kaso lang baka matakot ito sa akin HAHAHA

"F---felip?"

Bumalik na si Kyomi mula sa terrace at para akong malulusaw nang titigan ito ni Ken!

Napakalagkit nang mga tingin!

Oh My Gosh!!!

"Bakit ka nandito?"

Lumapit si Ken sa kanya at niyakap ito!

AAAHHHHHHH!!!

"Damn. I miss you."

Nagkatinginan kami ni Mira at pareho kaming kinikilig! Sana All diba?

"Hmp. Pauwi na rin sana ako mamaya eh."

"I can't stand it anymore, I'm picking you up babae."

"Yieeeee Sana All!" sabi ko with kilig-kilig!

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now