DATING KEN SUSON 3

2.1K 118 81
                                    

KYOMI'S POV



"Hala Kyomi!"

Mabilis akong napatayo ng pumasok si Justin at nanlalaki ang mga mata! Ugh. hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya!

"A--ano Justin... N---natumba lang ako hehehe"

Tumayo na rin si Ken at nagpagpag ng sarili. Okay lang kaya siya? Napalakas yata yung bagsak niya?

"natumba ka Kyomi tapos bumagsak ka kay Ken?" Mapanukso ang mga tingin niya kaya kailangan ko ng makatakas!

"N---nakatayo kasi siya sa harapan. Tinatawag na pala ako ni Manager ba-bye!" mabilis akong lumabas at napabuntong-hininga.

"Bakit ba ako kinabahan?"

"Bakit ka kinakabahan?"

"Ay anak ng kalabaw!"

"Hehe sorry Kyomi." Tumayo sa tabi ko si Justin. Bakit sumunod 'to?

"Justin, may kailangan ka ba?" Umiling siya pagkatapos ay ngumiti.

"Kyomi ganun lang talaga si Ken. Medyo weird, pero sa tingin ko gusto ka niya."

Napalunok ako ng laway sa narinig. "G---gusto?

Tumango siya sa akin habang hindi natatanggal ang kanyang mga ngiti. Grabe ang gwapo ng bunso nila! Mukha siyang korean idol!

"Sa tagal naming magkakasama never naming nakita si Ken na may kinakausap na babae, at hinahawakan ka pa niya. Alam mo ba na may haphephobia siya?"

"N--nabanggit sa akin ni Manager."

"Kaya nakakatuwang makita na yung mga kinakatakutan niya ay nagagawa niya sa'yo." He touched my head lightly. "Actually, siya ang unang pumili sa piece mo." Napatingin ako sa kanya.

Weh? Talaga? Si Toyoin?

"Napansin na namin ang mga lyrics mo kaso nga babae ka kaya kahit ikaw ang nanalo, hindi ka sana namin pipiliin dahil nga sa phobia na meron si Ken, pero siya ang nagpumilit na piliin ka."

Nakikita ko ang saya sa itsura ni Justin ngayon. He cares deeply to him. Nakakatuwa naman dahil kahit magkakaiba ang mga ugali nila ay magkakasundo pa rin sila.

"Sana magawa mong mabago si Ken Kyomi." parang hindi si Justin ang kausap ko ngayon. He is so matured right now na ang hirap paniwalaan kung siya pa ba ang kausap ko o doppleganger niya lang itong kaharap ko.
At paano ko naman mababago si Ken? Eh ang sunget-sunget nun.

Ngumiti na lang ako sa kanya at hindi sinabi ang mga tumatakbo sa isipan ko.

"Miss Kyomi!" Tumatakbo palapit sa amin ang isang staff ng photographer.

"B--bakit po? May kailangan po ba kayo?"

"Nakita mo ba si Manager Greg?"

"Kausap ko lang po siya kanina eh." I look at Justin baka kasi alam niya but he just shrugged.

"Ganun ba? Urgent pa naman 'to. Dahil kailangan niyang pirmahan ang documents na 'to."

"Tatawagan ko na lang siya. Wait lang ha?..." ngumiti sa akin si Ate--- Hindi ko alam name niya.

Hinahanap ko ang number ni Manager sa contact list ko ng tawagin ako ni Justin.

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon