DATING KEN SUSON 36

1.3K 64 30
                                    

Soshi's Note: Welcome sa mga New Readers! Enjoy here hihi!
Anyway, This is a Two Chapters Update. Okay, basa na!!!

YASMEEN'S POV

Nakarating na kami ni Miracle sa venue at ang dami niyang kaibigan at kakilala rito. Mga 20 minutes na yata simula nang dumating kami ay hindi pa rin kami nakakaupo!

"Balak mo na yatang tumakbo sa pulitika sa dami mong kaibigan rito?"

Natawa siya. "Pfft. Pagod ka na ba?"

"Oo kanina pa! Kaya maupo na muna tayo."

"Elryt. Let's go to our table."

Nakakapit ako sa braso niya dahil feeling ko naninigas na ang mga muscle ko sa binti kalalakad.
Six inches pa naman ang mga heels namin!

"Hi!"

"Oh hello Yaz and Mira."

Ito lang yata ang nagustuhan ko sa ginawa ni Miracle dito sa party! Kaisa namin nang table ang SB19 hihi!

"Hi Dad."

"Hello po Tito Leo."

Kasama rin namin ang Daddy ni Mira sa table. Pagkatapos ng batian ay naupo na rin kami.

Pansin ko lang, wala rito ang groom ko at si Ken?

"Nasaan si Josh?"

"Ken is not coming?"

Sabay pa naming tanong ni bessy.

Si Stell ang sumagot sa aming dalawa. "Si Josh umalis para sunduin si Kyomi. As for Ken--" tumingin siya sa unang table na katabi lang din namin and there is Ken with Shaira?!

"What the! Why they're together?"

"Sorry ah. Pero may sapak na ba sa ulo yang kaibigan ninyo? Girlfriend niya ang bestfriend ko tapos sasama sa higad?!"

Natawa silang lahat sa sinabi ko maging si Tito Leo. Pero, wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah?! Seryoso kaya ako dun!

"Anong nakakatawa bessy? Concern lang ako baka bigla na lang mangati si Ken dun."

"Pfft! Magkaibigan nga kayo ni Kyomi." Natatawang komento ni Sejun. Ano ang ibig sabihin niya dun?

Napansin kong papalapit sa amin si Ken kaya siniko ko si bessy para tumigil na sa katatawa.

"Guys."

Luminga-linga ako sa paligid nang makarating na sa amin si Ken. Ang daming kamera na nakatutok sa amin pero sabi ni Mira, secured naman daw silang lahat dahil hindi maglalabas nang rumor or kung anong issue ang mga reporters dito tungkol sa kanilang mga celebrities dahil may waiver silang pinirmahan bago makapasok sa party na ito.

Kaya pala mukhang walang kaba ang mga sikat na personalidad na narito. I even saw other celebrities at anak ng politician na naglalandian sa mga respective tables nila.

"Care to explain Ken?"

Nakataas kilay na tanong ni bessy. Ako naman tahimik lang na nakamasid sa kanila. Excited na akong dumating rito si bessy at sampalin si Shaira!
Kaso kilala ko si Kyomi, she will never hurt anyone else. Kapag yumaman ako patatayuan ko talaga ng rebulto ang babaeng iyon. She even hurt herself kanina para mailigtas lang ang bata kahit pwede niyang ikamatay!
Minsan gusto ko na ring iuntog ang ulo nun sa pader para naman maiba ang takbo ng utak.

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon