DATING KEN SUSON 5

2.1K 97 83
                                    

KYOMI'S POV


Maaga akong umalis ng dorm nila, Nagulat pa nga ako ng makitang gising na si Sejun ng 5AM.

Nagpaalam ako sa kanya at umalis kaagad, niyaya niya pa akong mag-almusal pero ayokong bumiyahe ng busog kapag maaga, nahihilo ako sa biyahe at nasusuka kapag ganun.

"Hi Mom, Hi Dad." almost 7AM na ng makarating ako rito sa sementeryo. Inilapag ko ang flowers na favorite ni Mommy sa kanyang puntod at kandila naman kay Daddy.

"Na-miss niyo ba ang pinakamaganda niyong anak?" I gigled.
"Wag na kayong kumontra Mom, ako lang naman ang nag-iisa ninyong anak." I laugh when I remember my Dad always calling me 'My pretty Daughter' and my Mom would say 'sige utuin mo talaga yang anak mo Kota' Pfffttt!
Pero kapag nasasali ako sa Beauty Contest noong first year High school proud na proud si Mommy noon sa akin at kinukwento pa sa mga amiga niya.
My Dad is a Japanese and my Mom is a Filipina.

"Daddy may ibabalita pala ako sa inyo ni Mom." Itinaas ko ang mga kamay ko na parang nanalo sa contest!

"guess what? Song writer na ako sa isang malaking company 'though ghostwriter nga lang dahil hindi malalagay ang name ko doon, but it's a good way to start para magkaroon ako ng connection diba Dad?"

nagbunot ako ng mga damo sa gilid-gilid habang nagkukwento "matutupad ko rin ang pangarap natin Dad na maging songwriter sa hollywood."
Kung may isa akong ipinagpapa-salamat sa mga kapatid ni Mommy, yun ay ang hindi nila hinayaan ang mga labi nila Dad, inilibing nila ito sa maganda at disenteng sementeryo at tinupad nila ang hiling ko na pagtabihin ang kanilang mga puntod. Kaya kahit na ibinigay nila ako sa bahay ampunan at inangkin nila ang kompanyang pinaghirapan ng parents ko ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanila. Isa pa, hindi ko rin naman alam kung paano patatakbuhin ang company na yun dahil napakabata ko pa noon.

Pinunasan ko ang mga namumuong luha sa gilid ng aking mga mata. "Aish hindi ako pumunta rito para mag-drama pero miss na miss ko na kayo Mommy, Daddy." hindi ko na mapigilan ang maiyak. Hindi madali ang naging buhay ko at puro paghihirap ang naranasan ko in my teens, Ilang beses rin akong nahinto sa pag-aaral dahil tumakas ako sa ampunan sa takot ko kay Uncle noon. Dahil tuwing dumadalaw siya ay sinisigurado niyang hindi ako nakakalabas at hindi ako makakapag-aral. I wiped my tears.
Dati hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ni Uncle na makapagtapos ako but now, I understand. Ayaw niyang mabawi ko ang kompanya na pinaghirapan ni Mommy at Daddy. But I am making connections now, hindi magtatagal ay babawiin ko rin ito sa kanya.

Tumingala ako para mapigilan ang pagtulo nang aking mga luha.
Sabi ko hindi ako magda-drama eh!

Umayos ako nang upo at nagbuntong-hininga para ma-contain ko ang emotions ko. I can't be this weak.

Muli kong ibinalik ang aking paningin sa lapida ng aking mga magulang at ngumiti.

"Mom alam niyo bang isa sa pinakasikat na celebrities sa bansa ang mga Boss ko? Pero hindi sila kagaya ng ibang artista na malaki ang ulo, kung iisipin mababait sila medyo may flaws lang yung iba pero all in all they are kind."
Toyoin lang yung isa.

"Hindi nga ako makapaniwala na ang humble nila at hindi nila minamaliit ang mga tao sa kanilang paligid."

Binalingan ko ang lapida ni Daddy.
"Pero Dad alam mo, medyo hawig ng isang member dun si Felip, kaso hindi ako sure kasi mas gwapo yun si toyoin eh. Tapos magkaiba ang pangalan nila."

Natawa ako nang maalala ko ang first encounter nilang dalawa ni Daddy. Dad thought that Felip was bullying me but he was my Superman. He saved me from my our schoolmates who bullies me and that was the start they became close. There are times that Felip will have a small talks with Dad kapag sinusundo ako nito tuwing uwian sa school, feeling close kasi iyong si Felip at makapal ang mukha.

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now