SPECIAL CHAPTER II

1.3K 61 26
                                    

SB19 SCENES THAT WAS UNTOLD.


JUSTIN'S POV


"Tae naman Ken. Sama kami!"-Stell

"I can finish them myself."

"Sama mo na kami kahit manunuod lang. Gusto ko makapanood niyan ng live."

"Tangna Stell, makikipag-rambulan si Ken. Anong akala mo, adventure?"

Suway ni Josh sa kanya.

Tumayo si pinuno na kanina pang tahimik.

"Samahan ka na namin. Manunuod lang kami hindi ka namin guguluhin."

"Tss."

At dahil ang leader na ang nagsalita, wala nang nagawa si Ken. Pfft!

Nang makarating na kami sa sinabing lugar nung Calix. Nakita nga namin siya doon na may mga kasamang kagaya niya na mukhang hindi gagawa nang matino sa mundo.

"Sino si Calix rito?"

"Ikaw ba si Ken?"

Tumayo yung lalaking naka-blue. Malinis ang itsura at pananamit niya hindi naman mukhang kasali sa mga gang o mafia.

Tahimik lang kami habang nakaupo sa gutter at pinapanood sila na nagtatalo.

Teka lang, busy ako kakakain ng pizza eh, ipapasa ko muna ang POV.

Kanino ba?

Kay Stell na lang siguro dahil siya naman pinaka-excited sa aming lahat dito.

*************

STELL'S POV

Sira-ulong Justin 'to ang tamad mag-POV!

Pero buti na lang! Gusto ko rin namang mag-kwento sa inyo ngayon eh.

So ayun na nga....

Napag-alaman namin na si Calix yung naka blue na T-Shirt kaya ayun! Sinapak at binugbog kaagad ni Ken!

Idol ko talaga 'tong si Ken pagdating sa mga fights kasi ang galing makipag-rambulan.

Noong nagka-kwentuhan kami, practice ground niya raw yung mga lalaking nagkakagusto kay Kyomi noong high school sila. Hindi naman daw siya bully. Binabakuran niya lang raw yung baby girl niya.

Tinamaan niya si Calix sa mukha!

Wooo!!! Ang angas talaga!

Gusto ko rin matuto nang taekwando at martial arts para maging kasing-galing niya!

Tapos lahat nang lalaking  makakasalubong ko sasapakin ko na lang bigla hahaha

"umay mga dre." Komento ni Josh na kanina pa tahimik.

"Bakit naman dre? Ang ganda nga eh. Live action"

"Tss. Bakit hindi lumalaban yung Calix?"

Oo nga nuh.

Tinatanggap niya lang ang bawat suntok at sipa ni Ken kaya mas lalong nagagalit ang isa.

"Anong karapatan mo para gaguhin ang girlfriend ko ha?!"

"I told you I was drug that night."

"Alam ko."

Pfft!! Tarantado.

Joke time ba to?

"Eh bakit binugbog mo pa rin ako? Tinutulungan na nga kita to get even with Timothy."

"Eh bastos ka eh! Sino nagsabing gawin mong girlfriend si Kyomi ha?!"

"A----as far as I'm concern. She i---is single those times."

*BOOGSSHH*

Napatayo pa ako mula sa pagkakaupo nang makitang tumalsik si Calix sa basurahan sa lakas ng pagsipa sa kanya ni Ken!

Ayos!

Ang angas!

"Dre, yun na yata yung Timothy."

Napaupo ulit ako sa gutter at pinanood ang pagkagulat nung Timothy sa nadatnan.

Tulog lahat nang gang members niya eh. Puyat yata? Pfft.

"What the Fvck!"

"Timothy."

"Oo ako nga! Ikaw sino ka?"

Ang angas nito!

Parang gusto ko nang sugurin tapos ako na lang ang sumapak.

"Your nightmare."

Ngumisi pa si Ken bago siya hinampas nang hawak na tubo sa ulo at sa likod. Pero dahil leader nang gang yung mayabang na ungas ay nakabangon pa rin siya at gumaganti ng suntok ngunit hindi hinahayaan ni Ken na matamaan siya dahil siguradong magtatanong si Kyomi sa kanya kapag may mga sugat at pasa siya kapag umuwi.

Sabi pa naman niya sekreto lang daw 'to.

Sinipa ito ni Ken sa sikmura at kita ko ang bumulwak na dugo mula sa kanyang bibig!

"Nice one." - Sejun

"hindi pwa twaposh?" Itong si Justin walang pakealam sa laban. Kain lang ng kain sa gilid hindi pa nang-aalok.

Muling dinampot ni Ken ang tubo at hinampas ito sa ulo nung mayabang na ungas at ayun!

Nakatulog na rin sa wakas.

Lumabas si Ken at lumapit sa amin. Inabutan siya ni Sejun ng water bottle.

"Ken paturo nga 'ko ng mga moves mo."

nginisihan niya lang ako tapos naglakad na patungong sasakyan.

"Sibat na. Baka may dumating pang mga pulis."

Mabilis kaming tumayo at pumasok sa sasakyan dahil wala kaming balak na makulong.

"Sandali!"

pero bumaba pa si Justin at binalikan ang pizza niya.

Walangya!


Authors Note: And now, it's finally the time to say goodbye sa love story nang ating Superman at baby girl!
Happy 15.2k reads and 1.12K Votes! Thank you so much sa support ninyo guys. See you on Fall For Me Hailey and Lucifer's Dark Abyss.

Follow me on:

Insta: @annedlfrz
Twitter: @annedlfrz_
Tiktok: @soshistorieswp

And don't forget to follow my watty account for announcements and updates. Thank you so much! I love you A'TIN!

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon