DATING KEN SUSON 39

1.5K 53 28
                                    

KYOMI'S POV


"Welcome back!"

Iginala ko ang aking paningin sa labas nang SB19 Dorm!
It's good to be back for a while.

"Let's go?" Inabot ko ang kamay niyang nakalahad at matamis na ngumiti sa kanya.

I ended up here dahil inis na inis sa akin si Miracle dahil iniwan ko raw siya kay Justin Pfft!
Sa kanya pa naman sana ako makikitulog ngayong gabi.

Ayokong umuwi sa apartment dahil sa banta ni Tito Arvin kanina. Alam kong kaya niya iyong gawin at hindi iyon isang pananakot lang kaya dito muna ako makikitulog ng isang gabi. Bukas na bukas din ay bibili ako ng condo unit sa kaparehong building ni Mira.
They own that condominium kaya safe at panatag ako roon.

"Oh Kyomi!"

"Babalik ka na heiress?" Panunukso sa akin ni Stell kaya hinampas ko siya sa braso!

"Pwede bang makitulog ako rito kahit ngayong gabi lang?"

"Gusto mo dito ka na tumira eh."

Natawa ako sa isinagot sa akin ni Sejun. It feels good na may matatakbuhan ka na kaibigan sa oras ng pangangailangan.

I glanced at their table at napailing ako. Puro fast food.

Tumayo ako at nagtungo nang kusina.

"Guys, okay lang ba kung magluluto ako?"

"Talaga Kyomi?"

Lumapit kaagad sa akin si Stell at tinulungan akong maghanap ng ulam sa ref.

"Mag-sinigang na hipon kaya tayo?" Kaya lang bigla akong napatigil nang maalalang allergic nga pala si Felip sa hipon. Ibinalik ko ang hipon sa freezer at ang tanging narito na lang ay hotdog.

Anong gagawin ko rito?

"Sa ibaba Kyomi may kaunting gulay."

Binuksan ko ang itinuro ni Stell at may nakita pa kaming pechay.

"Ano? Hotdog na may pechay?"

Nagtatawanan kaming dalawa! Nakakalokang combination yun!

Tumingala ako sa itaas at may nakita akong dalawang lata ng sardinas. Kumakain rin pala sila ng sardinas?

"Uhm. Guys! Okay lang ba yung ginisang sardinas tapos lalagyan ng pechay?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Felip at Sejun at nagtinginan pa!

"Meron bang ganun Kyomi?"

"Meron! Promise masarap!"

"really?" Felip asked while his arms are cross.

"yep. Na-imbento ko lang 'to nung 30 php na lang ang pera ko nung college HAHAHA"

Natatawa kong kwento kaya lang halatang hindi natuwa si Felip kaya agad akong tumigil sa pagtawa.

"Okay, if you say so."

Yey!
Ngumiti ako sa kanila! "Wait for 5-10 minutes before we serve, Gentlemen!"

Napakagat labi si Felip para pigilan ang ngiti! Psh.
Habang si Sejun naman ay tumatawa sa kanyang tabi. Stell is helping me to clean and cut the veggie.
Pansin ko lang parang wala si Josh?

Tatanungin ko na sana si Stell ng bigla kong marinig ang boses ni Justin!

"Ken! Nasaan si Kyomi?"

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now