DATING KEN SUSON 29

1.5K 70 112
                                    

JOSH'S POV

"Pusang gala Ken! Gusto mo na bang mamatay?"

Inis na sambit ni Stell dahil ilang beses na kaming nauuntog dito sa likuran sa sobrang bilis niyang magpatakbo nang van!

"Pinuno, malapit na ba tayo?" Tanong niya kay Sejun na nasa shotgun seat katabi niya.

Ayos!
Hindi man lang kami pinansin.

"Oo. Iliko mo sa kanan."

Tangna! Naka-pula yung stoplight pero hindi nila sinusunod.

Hindi na talaga ako magugulat kapag may humahabol na sa aming pulis mamaya.

Pero hindi ko rin naman siya masisisi dahil kung ako rin siguro ang nagda-drive ngayon baka napalipad ko na rin ang sasakyan sa sobrang pagmamadali.

Nakarating na kami sa address na ti-next nung gagvng Timothy.

Hindi kami masyadong lumapit sa isang mukhang lumang gusali na ayon kay Sejun ay iyon na daw ang pinagdalhan kina Kyomi.

Sinundan ko ang pagbaba ni Sejun at Ken. Nakita kong may dala na attache case si Ken at lumapit kami sa kanya nang buksan niya ito.

Mga baril?!

"Saan mo nakuha yan?"
Inunahan ako magtanong ni Justin.

Iba't-ibang klase nang baril ang laman nang attache case.

Tangna.

Huwag mong sabihing dating Mobster 'to?

"Sa Daddy ko 'to."

"ibig-sabihin matagal nang nasa sa'yo yan?"

Tiningnan niya lang si Justin pero hindi naman sinagot.

Kumuha siya nang dalawang baril, revolvers yata yun, hindi naman kasi ako pamilyar sa klase nang mga baril maliban na lang sa mga baril na nagagamit ko sa Online games.

Kumuha rin si Sejun nang isang Star30M at isang model 316 at kagaya ni Ken, isinuksok niya rin ang mga ito sa kanyang likuran. Hindi naman ito kita dahil natatakpan ang mga baril ng mga jacket nila.

Sunod-sunod na kaming tatlo na kumuha. Dalawang baril din ang kinuha ko, isang Armalon Gold Cup Custom at isang JSL Spitfire MKII Competition. Nagbaon rin ako nang ilang magasin na may laman na ring bala.

Nagkatinginan kami ni Ken pero agad niyang ibinaling ang paningin kay Sejun.

"I'll go now."

Tumango si Sejun sa kanya.

Mabilis itong tumakbo habang mejo nakaupo ang katawan niya at umikot sa likurang bahagi nang gusali.

Kung tama ang plano ni Sejun, nasa gitnang bahagi sina Kyomi dahil isa lang naman raw ang kwarto sa loob nang dalawang palapag ng abandunadong gusali na yan.

Nakasandal lang ako sa van habang hinihintay ang mga susunod na gagawin. Sana matagpuan niya kaagad si Kyomi nang ligtas.

"Okay ka lang?"

tumabi pala sa pagkakasandal ko si Justin. Nilingon ko siya na inaayos ang itim na sumbrerong suot.

Napa-buntong hininga ako bago sumagot.

"I guess"

Tinapik niya ako sa likuran saka umayos nang tayo.

"gutom na talaga ako wengya! Sana hinanda nila yung request ko."

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora