DATING KEN SUSON 2

2.4K 119 40
                                    

KYOMI'S POV



"Pffftt!"

Ang hirap pala talagang maging celebrity! Nakasuot siya ng cap, sunglasses at face mask. Hindi na nga siya makikilala kapag ganyan ang kanyang suot.

"Are you laughing?" Hindi ko makita ang kanyang reaction pero sigurado akong inis siya HAHAHA
"Pasensiya na. Masyado bang obvious?" Parang nagulat siya sa sagot ko. Siya lang ba pwedeng mang-asar? Tss.
Iniwan ko siyang nakatulala at naglakad na papasok ng Rustan's Supermarket. Sa totoo lang napakamahal ng mga bilihin dito. Yung gulay na mabibili mo ng sampung piso sa palengke nasa 50 pesos pataas dito. Pero siyempre special yung mga kakain kaya dapat special rin yung pagkain.

"You really have the guts to left me there." Busy ako sa pagtitingin ng maaaring bilhin kaya hindi ko na nilingon si Ken mula sa aking likuran.

"Ken anong favorite mong ulam?" Tumabi siya sa akin at tiningnan ako "Bakit mo tinatanong?"

"Bibilhin ko siyempre. Sabihin mo rin saken kung anong favorite nila Sejun."

"Whatever." Aalis na sana siya ng pigilan ko "Ano nga?"

"I like chicken. Any cook basta chicken." Ngumiti ako ng malapad sa kanya. Ang akala ko ay tatabigin niya lang ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso.

"Okay. Eh kay Sejun naman?" Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kanya at siya naman ang humawak sa braso ko "Do you like Sejun?"

"Huh?"

"Don't make me repeat what I asked." Kinabahan ako sa kanyang tono! Ang lakas ng mood swings nito!

"H---hindi. Nagtatrabaho lang ako sa inyo at kayo ang mga Boss ko. Wag ka ngang mag-conclude diyan."

Binitiwan niya ang aking braso habang hindi tinatanggal ang kanyang tingin. "Fan ka ba namin?" Umiling ako. Ayoko namang magsinungaling.

"So anong group gusto mo?"

"Bigbang" Narinig ko ang kanyang tawa sa ilalim ng kanyang mask! Aba anong nakakatawa na Bigbang ang gusto ko? "I bet you like G-Dragon."

"Nope. TOP"

"What? Every girls like GD"

"Oh edi hindi na ako babae." Kumuha ako ng dalawang buong chicken. "Okay na ba 'to sa'yo?" Tumango lang siya kaya lumipat ako sa mga gulayan.

"Wag kang magtangkang bumili ng gulay."

"Ano?"

"Ayoko niyan."

"Kailangan niyo 'to Ken. 'Wag kang maarte."

"Sinabi mo bang maarte ako?!"

"S---sinabi ko ba yun?"
Napatakip ako sa aking bibig! Napaka-taklesa ko talaga!

"A---aray ko!" Ang hilig nitong mamitik ng noo!

Tinalikuran niya ako at naglakad na papuntang counter.

"Okay seafoods na lang." Mabilis kong dinampot ang nakabalot na hipon at crabs saka sumunod sa boss kong daig pa ang babae kung toyoin.



*SB19 Dorm*

"Huh? Bakit mo binuhat yan?" Nandito na kami sa garahe ng kanilang dorm at nakakapagtaka na binuhat niya ang aming pinamili.

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now