DATING KEN SUSON 40

1.4K 56 18
                                    

KYOMI'S POV

Natawa ako pagkatapos kong ibaba ang call mula kay Justin. He was aking me regarding sa dinner namin mamaya kung matutuloy ba. He wants to pick me up pero tumanggi ako dahil pupunta muna ako ng Malabon para ipalipat ang iilan kong gamit sa bago kong condo. Isa pa, gusto ko ring isama si Yasmeen sa dinner para naman mapag-pair up ko sila ni Josh!

Palabas na sana ako nang building nang may tumawag sa akin. Nilingon ko kung sino and it was the unexpected one!

"Shaira. Bakit?"

"Uuwi ka na ba?"

Medyo nawe-werduhan ako kasi hindi naman kami close para magtanong siya sa akin ng ganyan.

"Uhmm... oo."

Nakikita ko ang panic sa kanyang mga mata pagkatapos kong sagutin ang kanyang tanong!

"Bakit may problema ba?" Tanong ko dahil ang weird niya.

"Susunduin ka ba ni Fe----I mean ni Ken?"

"Hindi. May taping sila eh. Bukas pa uwi nun. Bakit nga? Ang weird mo."

She glares at me!
Pfft! Nagalit!

"Uhm... Wala. Gusto ko lang sabihin sa'yo na huwag kang maglalakad or lalabas ng mag-isa."

Kinilabutan ako sa sinabi niya!

"Bakit?"

"Basta! Makinig ka na lang."

Umalis na ito kaya tinanaw ko na lang siya. Sumunod ako palabas habang hindi maiwaksi ang kakaibang nararamdaman. Feeling ko binigyan niya ako nang Warning, parang may hindi magandang mangyayari?

I shrug that thought at naisipang pumunta na lamang sa Bus Station. Hindi ko na lang muna kukunin ang mga gamit at makikipagkita na lang muna ako kela Jah ng mas maaga.

Ang weird lang dahil walang katao-tao sa bus station. Kapag uwian na ng mga workers dapat ay nagkakagulo na rito.

I was about to dial Justin's number but someone covered my mouth and my nose from behind using handkerchief! Nagpupumiglas ako hanggang sa nabitawan ko ang cellphone!

I feel weak and suddenly everything was black.

**************

JUSTIN'S POV

"Dre, tawagan mo na kaya si Kyomi." Utos saken ni Sejun at sinunod ko naman. Halos isang oras na kaming naghihintay sa kanya pero wala man lang siyang text or tawag kung na-traffic ba ito.

"tumawag na ako kanina pero hindi siya sumasagot." Saad ni Josh kaya nagkatinginan kaming dalawa.

"Baka naman busy lang." Komento ni Stell.

Nakailang ring na ang cellphone niya ngunit wala pa ring sumasagot.

"Hello?"

Napakunot ang noo ko dahil parang hindi iyon boses ni Kyomi?!

"Kyomi?"

"Ay hindi po! Napulot ko lang po itong cellphone niya dito sa Bus Station."

"Sino ka?" Hindi ko man alam pero masama ang kutob ko!

"I'm Ella po. As I said earlier napulot ko lang 'tong cellphone niya buti po tumawag ka."

"Nasaan ka? Pupuntahan kita ngayon." Nakita kong nakasalubong na ang kilay nung tatlo habang nakatingin sa akin.

I mentally noted her address saka mabilis na tumayo at niyaya yung tatlo. Isang sasakyan lang ang dala namin para hindi hassle at yun ay ang van.

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now