DATING KEN SUSON 7

1.9K 102 74
                                    

Soshi's Note: Hi guys! Napaaga update ko HAHAHA!
Again, All please be reminded that, This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.





KYOMI'S POV




"Ito, ito, ito po, ito rin po at ito pa ate! Ayun pa po!"

Natatawa si Ateng nagtitinda dahil sobrang excited niya habang nagtuturo ng mga gusto niyang kainin at parang maiiyak naman ako dahil sa lakas niyang kumain ay siguradong butas ang aking bulsa!

"Ito lang Kyomi."

Pinakita nito sa akin ang isang malaking tray na punong-puno ng order niya.

Yan lang talaga? Sigurado siya sa 'lang' niya?

Dumiretso siya ng upo sa table sa pinakagilid. Feeling ko naka-glue na ang mga ngiti sa kanyang labi.

He's wearing a cap and sunglasses at hindi rin naman ganun karami ang tao ngayon.

Pagkatapos kong bayaran si Ate ay sumunod ako sa kanya dala ang order kong isaw, calamares at kwek-kwek.

"Thank you Kyomi ah." Tumigil siya sa pagkain at tinanggal ang kanyang shades.

"for what?"

"sa libre." he smiled at me.

At first si Justin ang tingin kong pinaka-gwapo sa kanila pero habang pinagmamasdan ko ito ay parang nagiiba na ang tingin ko? Parang mas gwapo na si Josh!

On the second thought, Lahat naman ng SB19 Member mga gwapo. Ang hirap tuloy malaman kung sino ang pinaka-gwapo sa kanila because they all have their strength features.

"Thank you rin sa pagtulong saken sa lyrics."

He pinched my nose at tinanggal ko ang kamay niya sa ilong ko pero hinawakan niya ang kamay ko kaya nagulat ako sa kanyang ginawa!

"What?! is it your first holding hands with a very handsome man?"

Grabe po sa hangin but Swear! Nakakatunaw ang mga tingin at smirk ni Josh!

"H---hindi ah!" Binawi ko ang kamay ko pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak.

"Josh ano bang ginagawa mo!?"

"I like you Kyomi and I want you to know."

Natahimik ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya?

I blink while staring at him baka kasi nagjo-joke lang siya diba? Imposible namang magustuhan niya ako. Ngunit  ibinalik niya lang din ang mga titig ko at parang walang balak magsalita.

Seryoso ba yun?

"Pfffffftttttt!"

My eyes wide open when he suddenly burts into laugh!

"Joke Joke Joke!" he said wiping his tears from laughing!

"Joke lang ba yun?"

"Disappointed ka? Pwede ko namang totohanin."
Mariin niya akong tinitigan pero hinampas ko ang kanyang sumbrero.

"Ayan ka na naman sa joke mo ah!"

"Pffft! Hindi ka pala na fa-fall with the same jokes."

Saad niya at nagpatuloy nang kumain.

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now