3 YEARS LATER

1.5K 75 45
                                    

*3 YEARS LATER*



KYOMI'S POV


"Naku Felip! Kung hindi mo lang birthday ngayon ay makakatikim ka sa akin!"

Naiinis na sambit ko pagkatapos bumaba nang sasakyan.

Nakasunod naman sa akin si Lyka na hindi ko alam kung natutuwa ba ito dahil sa pagkainis ko. Nakita ko kasing saglit na ngumiti.

"relax lang po Ma'am."

"Paano ako mare-relax?" Humakbang ako patungo sa gilid nang kalsada.

Napakaganda nang tanawin mula rito sa itaas. Tanaw ang Taal Volcano, Taal Lake, ang karagatan ng Batangas at ang mga kabahayan sa ibaba.

"Na-relax po kayo Maam noh?" Saad ni Lyka habang nakasandal sa pula kong kotse.

Hindi ako sumagot ngunit totoong na-relax talaga ako.

I put out my phone from my Hermes Bag at napatampal na lamang ako sa noo nang makita na walang signal reception sa aming kinaroroonan!

"Saang lupalop ba ang lugar na 'to?"

Sa paghahanap ko ng signal ay halos mabunggo na ako sa isang puno.

Mga ilang segundo akong napatitig rito at saka ngumiti.

Hinubad ko ang Chanel Lace Up Boots na suot ko at saka ito itinabi sa gilid ng puno.

"Ma'am ano po ang gagawin ninyo?"

Nilingon ko si Lyka nang nakangiti at mas lalo pang lumawak ang ngiti ko nang makita ang panlalaki ng kanyang mga mata!

"Hindi kayo pwedeng umakyat ng puno Ma'am!"

"Huwag kang mag-alala sanay na akong umakyat ng puno noh."

Tinalikuran ko na siya at inilagay sa bulsa ko ang cellphone. Saka dahan-dahang umakyat.

"Ma'am bumaba na po kayo! Baka mahulog kayo riyan!"

Hindi ko inintindi si Lyka at tuluyan na nga akong nakaupo sa isang sanga.

Napangiti pa ako nang makita na may signal na ang aking cellphone!

"See? Lyka! May signal dito!"

"Pero Ma'am bumaba na po kayo. Malalagot kami kay Sir Ken nito Ma'am eh."

Nang makita na rin ako ng mga bodyguards ko sa itaas ng puno ay iniwan nila ang pag-aayos ng sasakyan at saka mabilis na lumapit sa amin. Kagaya ni Lyka ay pinapababa rin nila ako.

"Edi 'wag kayong magsumbong para pare-pareho tayong hindi malagot hehehe"

Sinimangutan na lamang ako ni Lyka at pinabalik na lamang niya ang mga bodyguards sa pag-aayos ng kotse.

"Don't worry, tatawagan ko lang si Felip tapos bababa na rin ako."

Sabi ko nang makita na nag-aalala pa rin ito.

I dialed Felip's number, naka-ilang ring bago may sumagot.

"Hello Kyomi anak"

Si Tita Corin.

"Hello po Tita. Pwede ko po bang makausap si Felip?"

"Ay naku ija, hindi ko nga mahagilap iyon sa sobrang busy. Teka, papunta ka na ba rito?"

"Opo sana. Kaso po nasiraan kami kaya, magpapasundo po sana ako sa kanya."

"Okay sige anak, sasabihin ko. I-text mo na lang sa akin kung nasaan ka ha?"

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now