ENGAGEMENT RING

698 22 17
                                    

KYOMI'S POV

"Ma'am tara na po malakas na po ang ulan!"

"Hindi pwede Lyka, kung gusto niyo mauna na kayo."

Sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga luha habang abala sa paghahanap ng engagement ring ko sa malawak na football field.

Malakas ang ulan ngunit hindi ko alintana ang nararamdamang lamig at ang pangangatal ng mga labi dahil sa malakas na ihip ng hangin.

"Ma'am magkakasakit po kayo niyan eh."

"Lyka *huk* h--hindi pwedeng mawala 'yun."

Alam kong magagalit sa akin si Felip kapag nalaman niyang hindi ko iningatan ang engagement ring namin.

Napansin kong napaawang ang bibig ni Lyka habang namimilog ang mga matang nakatingin sa akin. Nakahawak siya ng payong ngunit binitiwan niya iyon at nagpakabasa na rin.

"what are you doing? Bumalik na kayo sa hote----"

"I'm here as your friend Kyomi and not your secretary. Tutulungan kita."

Saad niya pagkatapos ay naghanap na rin sa kalakihan ng football field. Madilim na at malakas pa ang ulan kaya nahahabag ako sa kanya.

"Thank you."

Naluluha kong saad.

Ilang minuto na ang nakalipas ng aming paghahanap ngunit hindi pa rin namin ito makita.

Alam kong dito ko iyon nahulog dahil sa mga games na ginawa namin kanina.

"What the hell 'couz?!"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng boses ni Shaira!

"Why are you here? We've been looking for you!"

Lumapit ito sa akin habang nakapayong. Napatingala ako sa kanya.

"are you crying?" Umiling ako pero hindi nakatakas ang kumawalang hikbi.

"ano ba ang nangyari?"

Inabutan niya ako ng isa pang bitbit niyang payong ngunit useless na iyon dahil basang-basa na ako kaya naman hindi ko na ito kinuha.

"nawala saken yung engagement ring namin ni Felip."

"Seriously? Of all places dito mo nawala?"

Tumango ako.

Napasapo siya sa noo.

"Wow! What a luck!"

Nanlaki ang mga mata ko ng hinubad nya ang stillettos na suot saka nagyapak.

"What are you doing?"

"Trying to help. Dito ako banda."

Nakapayong pa rin siya habang naghahanap sa damuhan.

Mas lalo lamang akong naiyak dahil maarte si Shaira pero napagyapak ko at napaghanap ko pa sa damuhan.

"I'm sorry."

"stop crying at maghanap ka na rin diyan."

"Huwag kang mag-alala Ma'am mahahanap rin po natin iyon."

Nagsimula na nga kaming maghanap at halos mahalikan ko na ang lupa sa kakangudngod ng mukha ko just to have a clear view dahil sa madilim na.

After almost an hour ng paghahanap ay tumayo na ako.

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now