DATING KEN SUSON 32

1.3K 62 35
                                    

Soshi's Note: Sorry myluvs dahil napaurong ang teaser nang SB19 Series #2, January 7 na po ang teaser niya. Anyways, 2 chapters po tayo today! Happy New Year and enjoy reading! ^^



KYOMI'S POV

"You shouldn't break up with him Kyomi, or atleast wait for Ken to break up with you."

Kasama ko ngayon si Mira. Nasa isang coffee shop kami at inis na inis siya sa sinabi ko.

"Kung ikaw ako, anong gagawin mo?"

She sighed and looks at me.

"I will not. At kilala mo si Ken, alam mong hinding-hindi iyon papayag na maghiwalay kayo."

"I know." Napayuko ako sa table sa sobrang frustration. Hindi ko alam ang dapat kong gawin at pesteng mga luha 'to! Pumapatak na naman!

"Tsk. Ang alam ko palaban ka Kyomi pero pag boyfriend mo na ang usapan ang hina-hina mo na. Nai-stress ang kagandahan ko sa'yo hays."

"nagugutom ako."

Namilog ang mga mata ni bessy nang tingnan akong sunod-sunod na sinubo ang mga pastries na nasa plato ko.

"What the! Too much calories! You sure you wanna get fat?"

"I'm in the mood to eat sweets. You won't eat that?" Hindi man lang niya ginagalaw ang cupcakes sa plato niya.

"nah. I'll pass."

"Okay! Akin na lang 'to ah."

"Seriously?!"

"Ah! Busog na ako hehe"

"geeze. Ubusin mo ba naman lahat eh. Nga pala bessy, Punta tayo sa office ni Dad bukas."

"huh?"

Pinasingkit niya ang kanyang mga mata. "Our great revenge strategies will start there."

Napangisi ako sa narinig mula sa kanya.

***********

Bumalik ako ng dorm na bagsak ang balikat.

"Kyomi"

Napatingala ako nang tawagin ako ni Stell, may dala itong plato na may lamang chips. Kaagad akong nagpakita ng pekeng ngiti sa kanya.
Naririnig ko ang hiyawan nila sa sala at nagvi-videoke pala sila.

Si Sejun yata ang huling kumanta dahil siya ang may hawak nang mic at titig na titig sa score na lalabas sa TV.

Uupo na sana ako sa tabi ni Stell kaya lang tinawag ako ni Josh. Magkatabi sila ni Sejun kaya umusog ito para maupo ako sa gitna nilang dalawa.

"Nasaan si Jah?" tanong ko.

"may photoshoot."

Tumango lang ako. Inabot sa kanya ni Sejun ang mic, siya na yata ang kakanta. Kahit na rapper si Josh ay maganda rin ang vocals niya.

"Kanina ka pa nakarating?" Tanong ko kay Sejun nang maupo na ito sa tabi ko.

"Mga 3 hours ago na rin. Ikaw ba't natagalan ka?"

"Nagkita kasi kami ni Mira." Binalingan ko si Stell na busy sa paghahanap sa song book.

Nagsimula nang tumugtog ang kakantahin ni Josh kaya napatingin ako sa TV, That Should Be Me ni Justin Beiber?!

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now