DATING KEN SUSON 13

1.6K 63 5
                                    

KYOMI'S POV



"You're still hella gorgeous Miss Minatozaki."

Tumingin muna ako sa paligid at mukhang busy naman ang lahat sa pagsasayaw o pagkain at kwentuhan.

"Ano Kyomi hindi mo na ba ako kilala?"

"Kuya Kento."

I smiled at him but my nerves are wrecking!
We're not supposed to meet this early dahil hindi dapat malaman ng pamilya niya kung nasaan ako.

"God! Akala ko nakalimutan mo na ang pinakagwapo mong pinsan Kyomi!"

"Tss. Paano ko ba naman makakalimutan yang kayabangan mo Kuya?"

"What? Mali yata ang nabanggit mo Kyomi. Kagwapuhan dapat iyon hindi kayabangan."

Natawa na lang ako dahil hindi pa rin ito nagbabago kahit isa na siyang sikat na aktor.

"Let's talk but not here."

Hinila ako nito palabas ng venue at doon kami tumungo sa garden.

Ang ganda naman rito.

"So Kyomi-----"

"Kuya let me speak muna."

Pinigil ko na agad ito sa pagsasalita dahil kailangan ko na siyang unahan.

Tinitigan niya muna akong maigi at ilang segundo ang lumipas bago ito tumango.

"please do not tell your family that we met here, especially your Dad."

"relax, I can assure you that this thing tonight will be unknown to them."

Tinapik nito ang upuan malapit sa kanya kaya umupo ako sa kanyang tabi.

"You probably know that I'm on your side, don't you?"

Nilingon ko siya saka tumango. Alam ko naman yun. Kahit noon pa man ay pinagtatanggol niya ako sa kanyang  pamilya.

"So I promise that what we're going to talk about today will erase everything from my mind the next day."

"Thank you Kuya Kento."

"So." Naging seryoso na ang tono ng kanyang boses kaya hindi ko maiwasan ang kabahan!

"Where have you been this past ten years, simula nang tumakas ka sa orphanage? Alam mo bang hinanap kita?"

Huminga muna ako ng malalim dahil parang maiiyak ako!

"Tinulungan ako ng isang pamilya. Sila ang nakapulot sa akin noong tumakas ako."

Napabuntong hininga rin ito at mahahalata ang lungkot sa kanyang itsura.

"Sana hindi ka na lang tumakas Kyomi, I can do anything just to save you from my family."

Tumingin ito sa akin at pareho na kaming dalawa na nangigilid ang mga luha sa aming mga mata.

"Sorry. Sorry sa lahat. Sobrang nahihiya akong humarap sa'yo seriously, dahil sa ginawa ng parents ko."

Mabilis kong pinunasan ang mga nakatakas na luha mula sa aking mga mata.

"Wala kang kasalanan Kuya."

"Kahit pa. Sobra-sobra ang mga nagawa nila sa'yo at sa mga magulang mo kaya sana mapatawad mo kami Kyomi."

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon