DATING KEN SUSON A'TIN

1.7K 64 24
                                    

KYOMI'S POV



"Salamat sa pagsama sa akin ngayon Kyomi."

Nilingon ko si Sejun dahil nagda-drive ito ngayon, gamit namin ang kotse niya at pupuntahan namin ang sinasabi niyang happiness niya.

"No worries. Basta ikaw."

Ngumiti ako sa kanya at ibinalik naman nito ang mga ngiti ko.

"willing kang tulungan ako kahit alam mo na once na makapagsulat akong muli ay matatapos na rin ang pagiging ghost writer mo sa amin at malalayo ka na kay Ken." Binalingan niya ako nang tingin pagkatapos sabihin iyon at hinintay ko lang na muli siyang magpatuloy.
"Kaya maraming Salamat. Sobrang na-a-appreciate kita Kyomi."

Ngumiti ako sa kanya.

"Salamat Sejun. Sa loob nang dalawang buwan na naging ghostwriter/Asst. Manager ninyo ako ay naging fan niyo na rin naman ako. Kaya kung may maitutulong ako sa inyo ay gagawin ko."

Nasa kalsada ang kanyang tingin pero nakangiti ito.

"Isa pa, ang mga lyrics mo talaga ang bagay sa SB19."

Saglit itong lumingon sa akin. "Thank you Kyomi. Pero meron sana akong hihilingin pa sa'yo."

"Ano yun?"

"Pwede bang tawagin mo akong Pablo kapag nakarating na tayo roon?"

Kumunot ang aking noo pero tumango ako sa kanyang hiniling. Ang simple lang naman nun pero bakit kailangan tawagin ko siyang Pablo mamaya?

"hmm.. Coffee shop?"

Natatawang tumango ito sa akin.

Pababa na sana ako sa kotse ng biglang dumating si Sejun at pinagbuksan ako ng pinto.

Napaka-gentleman niya. Unlike kay Felip na kapag trip niya lang. Hindi joke, pinagbubuksan rin naman ako nang pinto nun.

Nilibot ko ang aking paningin at napakaganda ng coffee shop na ito!

It feels like you are close to nature because of the flowers and green plants designs.

Pinagbuksan akong muli nang pinto ng coffee shop nito, nagkamot pa 'ko ng ulo kasi hindi ako sanay na ganito siya sa akin.

Pinagbuksan akong muli nang pinto ng coffee shop nito, nagkamot pa 'ko ng ulo kasi hindi ako sanay na ganito siya sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hinawakan nito ang mga kamay ko at namimilog ang aking mga mata na tumingin sa kanya!

Tinanggal ko ang aking kamay but he locked and intertwined his fingers in mine!

"S---sejun!"

May boyfriend ako!

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now