DATING KEN SUSON 41

1.6K 69 32
                                    

Soshi's Note: Ilang chapter na lang malapit na tayo sa Finale! Ngayon palang nagkakaroon na ako nang sepanx sa karakter ni Felip at Kyomi huhu.

SHAIRA'S POV

*FLASHBACK*

Kompleto kami ngayon dito sa bahay ng parents namin. Kuya Kento cancelled his taping sa isang variety show to be with us dahil nakalaya na ngayong araw si Daddy!

"Welcome back Dad!"

Bati sa kanya ni Kuya at niyakap siya, sumunod naman kami ng kakambal ko.

I glanced at Mommy as she's serving the food on the table. It's obvious that she is happy to see Daddy again.

"Oh. Sis, papasok ka?"

I rolled my eyes heavenwards to his foolish question.

"Obvious ba?"

"Pfft! Akala ko kasi magre-resign ka ngayong si Kyomi na ang CEO."

Na-bwesit ako sa narinig kaya iniwan ko na sila at kinuha na lang ang bag ko. Wala akong balak na magpaka-alipin sa pinsan kong santa-santahan!

Tss. Kung bakit ba naman kasi siya pa ang nagustuhan ni Ken?!

Nagtungo ako nang sala para magpaalam sa parents ko nang mapahinto ako ng marinig ang kanilang pinag-uusapan.

"Ano?! Balak mong dukutin ang pamangkin mo?! Nasisiraan ka na ba ha, Arvin?!"

I can hear my Mom's frustration!
Napailing na lamang ako. I never thought he is this bad.

Daddy laughs. "Tama, balak ko siyang dukutin at patayin gaya nang ginawa ko sa kanyang mga magulang!"

Nabitawan ko ang bag na aking hawak!
Tama ba ang narinig ko?!

Si Daddy ang may gawa nang pagkamatay nina Tita Amethyst?

"May tao ba diyan?"

Tumakbo akong pabalik sa kusina bago pa man nila ako makita!

What the?!

"Okay ka lang twin? Bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?"

Nagpunas ako ng pawis at umiling lang sa aking kakambal!

Ang bilis-bilis pa rin nang tibok ng aking puso! Nanginginig ang mga kamay ko kaya inilagay ko ito sa aking likuran upang hindi nila makita.

Nang lumingon ako sa sala ay nag-uusap nang muli sila ni Dad. Mommy was crying habang nakahawak sa mga kamay ni Daddy kaya muli akong lumapit.

"Sa rest house natin sa Pasay, doon ko balak na pagbayarin ang anak ni Kota."

"Hindi ka na ba talaga marunong makinig Arvin?!"

"Bakit pa ako titigil ngayon honey? Alam mo rin naman ang lahat nang ito simula pa lang. Isa ka rin sa nakinabang sa yaman ng mga Minatozaki."

"pero---"

"ngayon pa ba ako titigil na isang bata lang ang kalaban ko?!"

Pumasok na ako nang tuluyan sa sala at pilit na ngumiti sa kanila. My hands were shaking in my back. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko ngayon lang!

"Una na po ako."

Palabas na sana ako nang pinto nang marinig kong tawagin ako ni Dad.

"Don't resign Shaira. We will be able to get back the company."

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now