DATING KEN SUSON 1

4K 134 88
                                    

Soshi's Note: STOP! Before reading this, kindly make sure na nabasa niyo na po ang Foreword for the Story guide. Although this is SB19's FanFiction, Please be reminded that I added and minus some things and persons for the sake of the story. Ang anumang mababasa niyo rito is purely fiction. Alam ko namang alam niyo ang totoo rito at hindi dahil pare-pareho tayong A'TIN. Ayun yun lang guys! Kung nabasa mo na ang Foreword proceed ka na rito. Thank you.

Warning: This story contains a spoiler for  next SB19 Series II,III,IV and maybe V.







KYOMI'S POV

Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatulala sa isang mataas at marangyang building na may nakasulat sa tuktok na Show BT Entertainment.

"Totoo na ba talaga 'to? Magiging ghostwriter na ba talaga ako sa isang kilalang kompanya?" I mumbled to myself. Mas lalong lumalakas ang kaba sa aking dibdib habang papalapit ako sa entrance ng building!

OMG!

Aja Self!

"May appointment po ba kayo Maam?"

"Ah yes meron po. Anong floor po rito ang office ng SB19?"

"Ah 19th floor po Ma'am. Sino pong contact person ninyo?"

"Si Mr. John Paulo Nase po." Halata sa itsura ni Kuyang guard ang gulat ng binigkas ko ang mga pangalang iyon. Bakit kaya?

"S---sige po Ma'am akyat na po kayo."

"S--salamat po."

*19th Floor*

"Excuse me, I have an appointment with Mr. Nase" Uhm. Medyo kinakabahan ako dahil parang ang serious ng atmosphere ng mga staffs nila. "Are you Miss Minatozaki?"

"Y---yes po!" Napatayo ako ng matuwid ng makita ang isang magandang babae. Inakay ako ni Ate Ganda sa isang kwarto na may Yellow Star sa pinto at may nakasulat na Sejun sa gitna ng star. Huh? Bakit niya ako dinala sa room ng leader ng SB19?

She knocked 3 times and open the door. "Nase, nandito na si Miss Minatozaki" Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang mga nasa loob! Oh my God!

Ang SB19! Silang lima ang nasa loob!

Huminga ako ng malalim and starts to compose myself. Hindi naman ako fan ng SB19 pero sobrang sikat nila kaya kahit hindi ka fan ay makikilala mo pa rin sila! Kabi-kabila ba naman ang guestings sa TV at billboards nila sa EDSA! Plus mo pa na ang bestfriend kong si Yaz ay Super Fangirl nila!

Sa tingin ko nga ay kilala sila ng buong bayan. They are at the top of their career and one of the most famous P-Pop groups out there..... or maybe they are the Most Famous Group in the country not just in my opinion but I think the Filipino Citizens will agree.

"Come in" Nakangiting bati sa akin ni Sejun. Siya pala si Mr. Nase!
Ano ba yan? Ang bobo ko naman para hindi muna mag-research sa kanila!

Ngumiti ako sa kanilang lima. Sana hindi halata ang kaba ko!

"Hi Kyomi!" bati sa akin ni Justin kaya ngumiti ako sa kanya. Yung dalawang katabi niya na si Ken at si Josh ay mga nakapoker-face na nakatitig saken.
Err~ ganyan ba talaga sila? "I like your name! Parang kwiyomi lang" Natawa si Stell sa sinabi ni Justin. Nakita kong hawak-hawak ni Justin ang resume ko, kaya pala alam na niya ang pangalan ko.

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now