Chapter 30

11 4 0
                                    

Memories Of The Past

Franz Xenon's POV


Isa't kalahating linggo na ang lumipas at nakaratay pa rin ako dito sa ospital. Malapit nang humilom ang mga sugat sa aking likod kaya sabik na sabik na akong umuwi saka pumasok sa eskwelahan.

Tatlong araw mula no'ng nagising ako, kinuwento sa akin ni Mama kung ano ang nangyari matapos ang insidente. Kakarating pa lang ni Mama sa bahay galing sa kaniyang trabaho bilang call center agent. Bubuksan na niya sana ang pinto nang matulos siya sa kaniyang kinatatayuan dahil narinig niya ang mahinang pagdaing ko kaya binuksan niya agad ang pinto at hinanap ako.

Nang matagpuan niyang sinasaksak ako ng demonyo kong ama, sumigaw siya dahilan para tumingin sa kaniya si Papa at nabitawan ang kutsilyong gamit niya sa pagsaksak sa 'kin.

Balak tumakas ni Papa pero naharang at nahuli siya ng mga kapitbahay. Rumesponde agad ang mga pulis sa aming lugar para dakpin at kulungin si Papa.

Sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa aming bahay, nalaman nilang may mga pakete ng droga na nakatago sa apardor ni Papa. Walang kaalam-alam si Mama na nagdodroga ang kaniyang asawa.

Sabi ni Mama, muntikan na daw akong mamatay dahil marami dugo ang nawala sa aking katawan. Mabuti't naagapan agad dahil kung hindi ay baka nakahimlayl ako sa kabaong at pinaglalamayan na ako ng mga tao.

Posibleng naka-droga si Papa at nawala siya sa tamang pag-iisip kaya nagawa niya iyon, pero hindi pa rin 'yon rason para kitilin ang aking buhay.

Imbes na lungkot ang nararamdaman ko ngayon ay galak at ginahawa ang bumabalot sa aking sistema. Hindi niyo ko masisisi. Tiniis ko ang sampung taong sa piling ng kamay ng demonyo at naranasan kung ano ang impyerno.

Kagaya ng unang nakarata ako dito sa opsital ay walang bumisita sa akin liban kina Mama at Sawyer. Ni anino ng isa sa mga kaklase ko ay walang nagpakita. Hindi na bago 'to sa akin. Sila ang may gustong mawala ako sa mundo kaya bakit ko pa hinihintay na bisitahin nila ako?

Kung usapang pagbabago, walang gano'n. Wala ring himala. Kung hindi ka gusto ng mga tao, hinding-hindi 'yon magbabago kailanman at magpapatuloy ito sa ating pagtanda.

Dahil sa kakaisip ng mga walang kwenta kong kaklase, biglang sumagi sa aking isip sina Aldrei at Andrew. Kamusta na kaya sila? Wala akong natanggap na balita galing sa kanila. Kahit sila ay hindi magawang bisitahin man lang ako dito. Marami pa naman akong sasabihin sa kanila.

Pa'no kaya kung sulatin ko na lang sila ng liham?

Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakahiga at maingat na lumakad papunta sa lamesa na malapit sa paanan ng aking kama. Wala nang nakakabit na IV sa akin dahil tatlong araw mula ngayon ay makakalabas ja ako ng ospital, pero palaging paalala sa akin ng aking doktor na mag-ingat pa rin ako sa paglalakad.

Nang makaupo sa lamesa ay kumuha ang ng dalawang pirasong papel saka ballpen para masimulan ang liham na ibibigay ko para sa kanila.

November 06, 2020

Dear Andrew,

Ellow, bhud! Alam mo... miss na miss ko na ang presensiya ninyo ni Aldrei hahaha. Sa ngayon, hindi ko pa masabi-sabi na natatanggap ko na hindi na tayo magkakaayos, siguro magiging okay lang ako kapag nakapagtapos tayo sa Junuor High. Mahirap mag-move on lalo na't minahal ko kayo na parang tunay na kapatid. Pagpasensyahan mo na dahil medyo marami ang aking sasabihin. Sana hindi ka mabuburyo.

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now