Chapter 17

10 6 0
                                    


New Setting


Xenon's POV

LUMIPAS ang mga araw at buwan na ngayon ng nobyembre. Malapit na magtapos ang aming first semester kaya naghahanda kami sa midterm exam namin. Lahat ng mga kaklase ko ay abala sa pagkokopya ng mga notes, nagpapaturo sa iba kung paano o ano ang dapat isagot at marami pang iba.

May mga kaklase ko rin na nagpapaturo sa akin, lalo na sa subject na Science. Nang masaksihan nila na malawak ang aking kaalaman at kaisipan sa subject na 'yon, halos lahat nga ay nagpapaturo sa akin, pati na sina Drew at Akira.

Wala namang problema sa akin, masaya nga akong makatulong sa kanila kahit maliit lang na ambag.

Sa mga nagdaang araw at buwan, natuklasan ko na may Dancing Room pala dito sa Cristobal Academy. Iniisip ko kase noong Acquaintance Party namin kung doon sila nag-ensayo ng kanilang  ipinakitang mga talento.

Gaya ng aking kinagawian ay maaga akong pumasok. Magmula noong ma-late ako sa unang araw ng aming pasukan ay hindi na ako nahuhuli sa klase. Natatakot na kase akong gawin ulit iyon baka ipapatawag nanaman ako sa Guidance Office.

Dalawang metro pa lang ang layo ko mula sa gate ng eskwelahan ay tanaw ko ang mga kalalakihan na nakasagupa namin noon sa hardin. Lahat ng mga mata nila ay nakatutok sa akin na parang gusto nila akong patayin.

Ano naman kaya ang sadya nila? Maghahanap naman ang gulo?

Napahinto ako sa paglakad nang magsimula silang lumakad palapit sa akin. Ramdam ko ang namumuong tensiyon sa bawat hakbang nila. Ang iba ay nakapamulsa kung lumakad, bukas ang mga butones sa babaw at may mga hikaw sa mga tainga nila. Sa madaling salita, adik sila.

"Ang gandang bungad naman para sa amin. Mapapadali lang ang aming gagawin." Saad ng isang lalaki sa gitna nila.

If my memory serves right, he is their leader. Others said that his name was Rico. Same strand but he belongs to the lowest section, together with his boys. What do you expect to a person who has done nothing but to wander and always involved in fights?

"Tama ka diyan, pre. Tingnan mo ang mga mata niya. Parang binagsakan ng semento dahil pula."

"Tsaka mga pre, ang galing din niya kumanta. Siguro recorded lang 'yon tapos pinatugtog niya."

Nagtawanan naman ang mga kalalakihan sa sinabi ng lalaking nasa kaliwa ni Rico. Mahinang napabuntong-hininga ako. Wala akong panahon para makipag-usap sa mga walang utak at basagulero.

Akmang lalakad ako papalayo sa kanila nang humarang ang iba sa aking daraanan.

"Bastos nito ah... nakikipag-usap pa nga kami sa 'yo tapos lalampasan mo lang kami? Hindi ka ba tinuruan ng mga pesteng magulang mo na masama ang maging bastos?"

Uminit bigla ang ulo ko nang banggitin niya ang mga magulang ko. Ayos lang sana sa akin kung ako ang sinabihan nila ng masasakit na salita pero ibang usapan na  kung sinasali nila ang mga magulang ko.

Napatingin ako kay Rico. "Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang manggulo ng kapwa mo estudyante?" Wika ko sa malaming na tono.

"Gulo? Anong gulong pinagsasabi mo? Gusto ko lang na may mapagtripan na tao. At ikaw ang pinili ko." Nakangising saad niya.

"Wala akong panahon para maging laruan ninyo at kahit kailan ay hindi ako magiging laruan ng kahit sino."

I was about to leave when someone pulled me and then gave me a strong punch. I took a step back then held my jaw.

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now