Prologue

303 28 16
                                    

P"Alam niyo, swerte ako sa mga ito," sabay turo ko sa kanila. "Kahit na mga tukmol sila, kahit na mga gago sila kahit sa sinaktan nila ako," saad ko sa aking mga kaklase.

"Mahalaga sila sakin. Ako ang tipo na pinapahalagahan ang pagsasama naming magkakaibigan. Gagawin ko ang lahat alang-alang sa kasiyahan at ikabubuti ng aking mga kaibigan. They are precarious to me, at kung mawawala ni isa sa kanila, I might lose my sanity. Gano'n ko sila kamahal." Pagdadagdag ko pa.

Tinignan ko silang mga hinayupak at patagong tinatawanan lang nila ako. Sumisikip na ang dibdib ko. Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko pero sige parin ako.

"Pero ang gusto ko lang maranasan ang sabihin nila na, 'Franz okay ka lang ba?' 'B-Bud you okay? May problema ba?"

Humina nang humina hanggang sa naudlot ang kanilang pagtawa dahil narinig nilang pumipiyok na ang aking boses.

"Xenon k-kung may p-problema ka sabihin mo sa a-amin, ha? Lagi mong tandaan na dito lang kami sa tabi mo, ha? Pero wala eh... ni isang kilos na nagpapakita na nag-aalala sila sakin, w-wala akong nakita," garalgal kong sambit sa aking mga kaklase.

Natilgalgal sila sa kanilang kinauupuan dahil nagsimula nang nababasag ang aking boses. Gusto na sanang bumigay ng aking mga mata pero pinipigilan ko ito sa kadahilanang hindi ko gusto na isipin nila na nagmamakaawa ako sa kanilang harapan.

Feast day ngayon ng poong San Ignacio ng Loyola. Ako ang nag-suhestiyon sa aking propesor na maglagay ng recollection para maibahagi namin ang hinanakit ng bawat isa sa amin, ngunit dalawa lang sa aming magkaklase ang naglabas ng hinanakit at kasali na ako ro'n. Naglabas na ako ng aking hinanakit dahil hindi ko na kaya, pero sila parang wala lang. Wala silang pakialam sa mga sinasabi ko.

Hindi nagtagal ay hindi na ako makapagsabi ng aking sasabihin dahil lunod na ako sa aking emosyon. Bumalik na ako sa pwesto ko at walang tunog na umiyak.

Inalo naman ako ng mga kaklase ko pero walang itong bisa dahil lumabas na lahat ng aking mga luha.

They say, a person who is crying without any sound has a very heavy emotion deep in his/her heart. Well, totoo naman.

Ang ibang kaklase ko naman ay pinipilit sila na mag-sorry sila sa 'kin. Tumingin ako sa kanila, I stilled a bit when I saw Reese, parang maiiyak siya. Medyo nanunubig ang kaniyang mga mata at kumukurap-kurap pa ito.

I hate to admit it, but naaawa ako sa kaniya. Siguro na-realize na niya ang kaniyang kasalanan. Ilang segundo pa ay tumayo si Reese at inaya si Drew na lumapit sa akin. Ang sakit isipin na parang napipilitan lang si Drew at hindi bukal sa kaniyang kalooban na humingi ng tawad sa akin.

Ibinaba ko nalang ang tingin ko sa kanila at walang imik na umiyak lamang. Alam ko namang hindi hihingi ng tawad si Drew. Masyadong mataas ang tingin nya sa sarili.

"Humingi na kayo ng tawad sa kaniya."

"Bati na kayo pleaasee."

"Patawarin mo na sila Xenon."

"Sana bumalik na ang inyong pagsasama."

Umangat ang aking mga mata dahil sa pagsusumamo ng mga kaklase ko. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si Reese at... si Drew.

'Di ko akalain na sasama siya kay Reese at hihingi ng tawad.

"Bhud," tawag ni Reese sakin.

Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Nangungusap ito at parang marami ang gusto niyang sabihin.

"Pasensya na ha? 'Di ko alam na grabe ang impact ng joke ko sa iyo. Hindi ko alam na ma-ooffend ka at masasaktan. Wala sa isip ko na ginagawan mo pala ng paraan para hindi umatake ang asthma mo. Nage-exercise ka para mapalakas ang cardio-respiratory endurance mo."

Scent Of My Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon