Chapter 8

47 11 3
                                    

The Diary

Xenon's POV

It's been four days since the incident happen. Mula noong araw na iyon ay hindi na muling sumakit ang ulo ko at hanggang ngayon ay hindi parin kami nag-uusap ni Drew. Ewan ko kung anong nangyari sa kaniya pero pakiramdam ko, konektado ito sa pagtawag sakin ng Mama ko. I won't jump into conclusions pero sa kaniyang kinilos noong araw na iyon, I think he has family problems. For now, I will give him the space that he needs.

Dahil ika-apat na araw na ngayon, my suspension in visiting the garden has been lifted. Mabuti binigay sa akin ang susi kahapon nang sa ganon ay maipagpatuloy kong halughugin ang gusaling pamilyar sa akin.

Nasa hallway na ako papunta sa hardin nang namataan ko sina Reese kasama ang Student Government Officers sa likod niya. Lahat ng mga estudyante ay napapatingin sa kanila. Merong bumabati sa kanila at merong ding nag-uusap sa tabi na nakatingin sa kanilang dako. Hindi na ako nagtataka dahil hindi naman talaga maiiwasan na titigan sila ng puno ng paghanga at respeto. Sila ang kataas-taasang estudyante dito sa Cristobal Academy, sila ang mga sangkap upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa loob ng eskwelahan.

"Hi Frost! Musta na? Medyo matagal na mula noong makita tayo." Bungad niya nang makita akong papunta sa direksyon nila.

"Okay lang naman, pupunta ako sa hardin para bisitahin muli. Matagal-tagal na rin na hindi ako nakapunta doon dahil sa pagsuspende niyo sa akin." Kaswal kong saad.

"As much as I don't want you to be suspended but I can't. I have laws and regulations here that needs to obey and follow. I'm sorry Frost."

"It's okay, I know that it's all my fault, trespassing a forbidden place."

"Well it's your fault at all, no need for long discussion." Singit ng babaeng officer. Matagal ko na silang nakikita na umaaligid sa tabi ni Reese pero ni hindi ko alam ang mga pangalan nila. Akmang tatanungin ko sila nang may tumawag na teacher sa 'di kalayuan.

"Mamaya na tayo mag-usap." Saad niya saka lumapit sa teacher na tumawag sa kanila. Muli ay pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa hardin.

NAKAHIMLAY sa lilim ng puno at unan ang dalawang braso. Hindi talaga ako magsasawa sa tahimik at payapang dala ng hardin na ito. Ang mga tunog ng insekto, ang pagsasampukan ng mga punong kahoy, at ang huni ng mga bibe sa maliit na lawa. Parang maliit na paraiso, bagay sa mga taong hilig ang katahimikan. Napabalikwas ako pwesto ko at tumitig sa pintong pinasukan ko kamakailan lang. Gusto kong pasukin ulit at saliksikin ang lugar na iyon. Hindi ko man maamin sa ngayon pero parang may nakaraan ako dito. Parang nakaukit ang lugar na iyon sa aking pagkatao, na parang hinubog sa kung sino man ako ngayon.

Without any further hesitation, I walk towards the door. Wala pa itong lock, siguro dahil sa sobrang busy ng mga officers hindi nila ito binibigyan ng pansin. Napatingin ako sa pinto na nakaugnay sa hallway ng school, hindi naman masama kung pumunta naman ako doon 'di ba? Hindi naman nila malalaman kung mamadaliin ko ang pagmamasid doon.

Agad akong pumasok sa kabila ng pinto at maingat na isinara ito. Muli, tumingin ako sa daang patungo sa kabilang bahagi ng eskwelahan. Sana hindi na sumakit ang aking ulo pagpumunta ako doon. Tinahak ko ang daan para malaman ang katotohanan ng mga nakakubling alaala ng nakaraan ko. Naisipan kong kumanta para hindi matakot at kabahan habang binabagtas ang daan.

When you try your best but you don't succeed
When you get what you want but not what you need
When you feel so tired but you can't sleep
Stuck in reverse.

Ang kantang 'to.. nagpapahiwatig na magiging maayos ang lahat...

And the tears come streaming down your face
When you lose something you can't replace
When you love someone but it goes to waste
Could it be worse?

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now