Chapter 6

57 13 11
                                    

This Is Me


Xenon's POV

VACANT namin ngayong second period kaya nandito ako sa library. Naghahanap ng mga libro para sa upcoming exams namin. Medyo napapagod na nga ako dahil puro nalang test ang ibinibigay ng mga guro dito. Sa sobrang busy hindi ko na nalibot ang buong eskwelahan para masilayan ang mga iba't ibang monumento. Sumagi bigla ang isang lugar sa aking isipan.

Hindi ko rin nagawang bisitahin ang hardin kung saan bubuksan ko sana ang pintuan roon.

Abala ako sa paghahanap ng mga libro nang may nagsalita sa intercom ng library.

"Attention Cristobalians, We will have no class is afternoon for we, the teacher will be having our meeting regarding the upcoming events four weeks from now. Again, we will have no class this afternoon for we are about to conduct a meeting. Thank you."

Walang pasok mamaya. Tamang-tama lang dahil bibisitahin ko ang hardin para buksan ang pintuang iyong. Ang ibang estudyante dito ang bakas ang tuwa sa kanilang mga mata. Ang iba naman ay parang walang pakialam. Bumalik na lang ako sa paghahanap ng mga libro.

Sa aking paghahanap nahagilap ko ang isang babaeng papalabas na ng exit. Hindi kaya..

Iniwan ko ang mga libro na nakasalampak sa sahig at dali daling lumakad para sundan ito. Hindi ko siya pwede tawagan dahil baka sitahin pa ako ng librarian.

Nasa labas na ako ng library at nakita ko siyang pumunta sa ABM building. Tinakbo ko ang pagitan namin. Nang makalapit ako sa kaniya ay hinawakan ko ang braso niya. Mabilis siyang pumihit paharap sa akin bagay na ikinasisi ko.

"Baket?" Aniya.

F*ck. Akala ako babae, Binabae pala! Binabae! Pero hindi ko ito nakilala dahil sa tindig niya. kung hindi mo siya kilala, mapagkakamalan mo siyang babae talaga.

Sinuri niya ang mukha ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa saka tumigil sa aking gitna saka ngumiti ito ng malagkit. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kaniyang inasal. Hinagod niya ako ng tingin na para bang nakakita siya ng masarap na ulam!

"Dapat sinabi mo sa akin Fafi na kailangan mo ng malalabasan. Ready-to-go naman ako." Aniya at kinagat ang ibabang labi.

Hindi ko magawang kumilos dahil hindi parin magawang iproseso ng utak ko ang nangyayari ngayon.

Shit bakit pinahamak mo ang iyong sarili Xenon?!

Pinakalma ko muna ang loob ko at sinubukan kong magsalita.

"U-hm.. akala ko kase i-ikaw ang kilala ko. N-napagkamalan pang k-kita."

Oh sh*t, I'm dead. Bakit ka pumiyok?! Ano ka ba naman, Xenon. Pinapahiya mo lang ang sarili mo!

"Huwag kang mahiya Fafi, magugustuhan mo rin ito. Malapit lang dito ang restroom. Baka gusto mo..."

Akmang hahawakan niya sana ang gitna ko nang itulak ko siya at tumakbo ng mabilis para makalayo sa kaniya.

"Anytime ready lang ako na diligan mo ako!!" Saad pa niya, dahilan upang bumilis pa ang takbo ko.

The f*ck pinagsisisihan kong sinundan at tinawag siya. Parang ginahasa ang buong pagkatao ko sa nangyari. Para akong maduduwal na mawawalan ng malay na ewan ko ba. Sana hindi ko na siya makita pa dahil kung magkataon man, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung saang daan ang tinatahak basta takbo nang takbo lang ang ginawa ko hanggang sa may nabangga akong tao at bumagsak kami sa lupa. Kung minamalas ka. Napagtripan ka na nga ng bading may binangga pa akong tao at tumilapon pa kami sa lupa. Medyo nahilo pa ako dahil sa lakas ng pagbangga namin sa isa't isa. Mabuti't hindi nabasag ang salamit ko.

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now