Chapter 25

6 4 0
                                    

Memories Of The Past

Franz Xenon's POV

"Kamusta na kayo? Ang laki na ng pinagbago ninyo ah."

Napangiti ako sa sinabi ni Sawyer. "Syempre lahat tayo ay nagbabago, hindi naman pwedeng hihinto ang ating buhay. Patuloy kumbaga, 'di ba?", tumingin ako kina Andrew at Aldrei na ngayo'y tumatago.

Dito kami ngayon sa labas ng gate ng eskwelahan. Hindi namin namalayan na lumipas na ang isang taon at ngayon ay nasa ika-walong baitang na kami. Sa ngayon ay nagkakamustahan kami at nagbabahagi ng mga nagawa namin no'ng bakasyon.

Minutes have passed, the teachers are requesting us to gather in the gym because a short program will start soon.

Nang makarating na kami sa gym ay nagsimula na ang nasabing programa. Tatlong oras ang lumipas, inanunsiyo na ng punong guro ang magiging seksiyon namin ngayong taon.

Kaming tatlo nina Aldrei at Andrew ay tinawag ang aming mga apelyido kaya lumapit kami sa harapan kasama ng aming mga kaklase dati at magiging kaklase ngayon.

Hinihintay namin na tawagin ang pangalan ni Sawyer pero hindi ito binanggit. Ibig sabihin, naiba ang kaniyang seksiyon. Hindi namin siya kaklase ngayon.

"Pa'no na 'yan, tayong tatlo na lang ang natitira. Sana hindi na tayo humiwalay ha?"

Tinawanan lang nila ang sinabi mo saka sabay na ginulo ang buhok ko. Medyo nainis ako sa ginawa nila kaya tinanggal ko ang mga kamay nila sa ulo ko.

"What are you talking about? Of course, we're not going anywhere. Besides, we'll stay together even if one of us is no longer our classmate, okay?"

Bumuntong-hininga ako saka inayos ang magulong buhok ko. "Yeah okay. I'm sure that Sawyer will be frustrated. What do you think?"

"No need to think. Look at him."

Gaya ng sabi ni Aldrei, tiningnan ko si Sawyer at napaatras ako sa dilim at talim ng mga mata niya nakatitig sa lupa. Kita ko rin na mahigpit na nakahawak siya sa shoulder strap bg kaniyang bag.

"I cannot understand, why he's not belonged to the highest section anymore?", rinig kong tanong ni Andrew.

"Because he's not listed in the honor roll in our recognition last two months."

Napatingin ako kay Aldrei na matamang nakatingin kay Sawyer.

"I know that his grades are high but if he didn't make it to the ninety percent cut out, he's not listed. That is the reason why he's not belonged to the star section for this year."

Nakaramdam ako ng awa kay Sawyer. Nakakalungkot isipin na hindi niya naabot ang ninety percet na general average para mapabilang pa rin sa star section.

Sana maging maayos lang ang kalagayan niya.

"Well, we better get going. Our teacher must be in our respective classroom along with our soon-to-be classmates."

Sinang-ayunan ko na lang siya saka sabay kaming pumunta sa aming silid.


"MGA P*UTANG INA, 'wag na 'wag kayong lalapit sa 'king mga gago kayo!"

Mga gung-gong sila. Uminit bigla ang ulo ko dahil sa ginawa nilang katarantaduhan. Nilagyan ba naman nila ng shoe glue ang Math notebook ko. Hindi ko na mabuksak-buksan dahil lahat ng pahina ay nilagyan nila.

Sila? Ayon, tawang-tawa sa sarili nila na nakahawak sa kanilang tiyan na parang maganda ang kanilang ginawa. Mga walang-hiya talaga.

"Franz, ang g-ganda ng prank namin sa 'yo. Kung m-makita mo lang itsura mo, s-siguradong matatawa ka."

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now