Chapter 9

39 9 0
                                    

Toast

Reese's POV

Lunch break na ngayon at hinihintay ko si Frost sa cafeteria. Sabay naming kakausapin si Drew para tulungan siya sa kung anong problema na dinadala niya. Parang naguguilty na nga ako dahil hindi ko siya nakakausap kahit kamustahin man lang siya. It's just that my schedules are very hectic that I can't a chance to talk to Drew. Palaging si Xenon lang ang nakikita ko dahil minsan ay nagiging biktima ito sa mga kagaguhan ng mga adik dito sa school.

Palinga-linga ako sa paligid at namataan ko si Xenon na palapit sa aking pwesto. "Nasaan siya ngayon?"

"Sa classroom namin, mag-isa lang siya doon dahil nagsilabasan ang mga kaklase ko para mananghalian. Tamang-tama para sa masinsinang pag-uusap natin.", tugon niya sa katanungan ko.

"Tara, puntahan natin siya.", pag-aaya ko sa kaniya at naunang lumakad.

"Musta na pala ang pamamahala dito? Ang alam ko, isa't kalahating linggo na lang ang natitirang oras para makapaghanda tayo sa ating Acquaintance Party.", tanong at pag-uusisa niya nang tumabi siya sa 'kin.

"Heto, kinakaya din naman kahit na parang susuko na ako. Kung minsan ay hindi na ako makakain ng pananghalian dahil sa sobrang abala sa mga gawain dito sa eskwelahan."

Napatingin naman ito sa akin. "I know that you're a workaholic f*cker, but lend some quality time for youself. Look at you, parang may jetlag ka na nakuha sa mahabang byahe."

Natawa na lang ako sa kaniyang mga pangaral. Well totoo naman ang sinasabi niya parang zombie na ang mukha ko dahil may mga dark circles na ito.

"I feel loved, do you love me Frosty?" Madilim ang tingin na pumukol niya sakin. "Say that f*cking word again. You'll regret it. Nag-aalala na nga ang tao sa 'yo tapos nagawa mo pang magbiro?!" Humalagapak ako sa pagtawa dahil parang nandidiri ang kaniyang ipinukol na ekspresiyon. "I'm just teasing you, you know me enjoying my high school life."

Napahinto ito sa paglalakad, bagay na ikinataka ko. "Is there something wrong Frosty? Parang nakakita ka ng multo." Tumalim naman ang tingin niya sa akin sinyales na bumalik ito sa kaniyang ulirat.

"Didn't I tell you?! Drop that f*cking word?! It's making me sick!" Singhal niya.

"Nope. Not gonna happen. Never. Ever."

Natawa na lamang ako dahil lalong tumalim ang kaniyang tingin sa akin. Kung nakakamatay lang ang talim at dilim ng tingin, siguro pinaglalamayan na ako ng maraming chix na parang nagkakandarapa sa aking kaguwapuhan. "Kidding aside, may plano ka na ba para sa talent showcase niyo? FYEW, it's one and a half weeks from now."

Kunot noong napatingin naman sa akin. "FYEW? What's that?"

"It's an acronym for 'For Your Extra Wisdom' your welcome.", tugon ko.

"Wait, I thought it's supposed to be 'For Your Information' or FYI?"

"Frosty, what year is it now again?"

"3019, also known as Era 3. Why?"

"That's it. Every word and acronym can be evolve into something unique. Simple as that."

He just shrugged. "I still prefer to FYI."

"Well, it's your choice so, I will respect it. Anyways, you have plans?"

"To be honest, wala pa. Hindi ko pa nakakausap ang makakasama ko sa ABM strand kung ano ang aming talent na ipapakita."

And the realization hit me. "U-uhm Frosty.. ako pala ang isa sa mga makakasama mo na hinahanap mo."

Scent Of My Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon