Chapter 4

53 14 8
                                    

Dream Or Memories?

Xenon's POV

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas mula noong magbukas ang pasukan. I must say, this school is very strict. The students are very competitive and the rules are implemented by the SSG officers regularly. Hinding-hindi ako magsisisi na ito ang eskwelahang pinasukan ko.

Sa kabilang dako, halos isang linggo nang nakikisama si Reese sa akin. Tuwing recess at lunch time, palagi siyang nasa tabi ko. And I tell you, sobrang kulit niya pero kahit na makulit ito, hindi niya hinahayaang mawaglit ang pag-aaral sa kaniyang sistema and to be honest, hindi siya peke. Hindi siya tulad ng mga taong walang pakealam at walang ginawa kundi iniisip lamang ang kanilang sarili. He is one of a kind. A real friend.

Tungkol naman kay Professor Storm, wala parin kaming nalakip na balita ukol sa talent showcase sa paparating na Aquaintance Party kaya naghihintay pa kami sa mga karagdagang anunsyo.

Sabado ngayon at walang pasok. Plano kong bumasa nang bumasa na lang hanggang sa matapos ang araw pero tinatamad ako. Wala na akong gagawin ngayong hapon dahil natapos ko na lahat ng gawain dito sa bahay.

Binisita ko ang to-do list ko

30 minute workout
Cleaning my room
1 hour study

Lahat naman dito tapos ko na gawin. Dahil ako lang ang tao dito ay humilata na lang ako sa sofa.

Wala namang akong balak na pumunta sa mall dahil wala naman akong bibilhin. Minsan isang beses sa isang buwan lamang dumadating ang mga bagong gamit mula sa main branch, kaya kahit na pabalik-balik ka sa doon kay walang magbabago.

Kung sa park naman ay parang nakakailang. Kadalasan ang mga taong pumupunta doon ay may mga kasama. Mapa-pamilya, barkada, mga bata at maging mga matatanda.

Hindi ko naman mapakiusapan si Reese na samahan ako, baka mapagkamalan kami na mag-jowa kaya nga minsan tinatamad akong lumabas at magpagala-gala dahil iniiwasan ko ang mga mapanghusgang matang ng mga tao. Maaaring makikita mo na parang wala silang pakialam sa iyo pero sa kaloob-looban nila ay dinudurog na nila ang pagkatao mo. Bawat galaw at kilos na ipinapakita mo ay may katumbas na mga masasamang salita.

Sila Mama at Papa naman ay abala sa pagaasikaso ng mga trabaho nila. Kahit na natatambakan sila ng mga trabaho, hindi nila nakakalimutan na maglaan ng panahon para kamustahin ang kalagayan ko.

Kahit na si Reese lang ang kaibigan ko, ang swerte ko parin dahil may mga magulang akong nandyan para gabayan at iahon ako kung nalulugmok ako sa panahon ng kalungkutan.

Ilang sandali ay bumibigat ang mga talukip ng mga mata ko. Tinanggal ko muna ang eyeglasses ko at nilamon na ako ng kadiliman.

––––

"Bakit nasa hardin ako?" Takang tanong ko sa aking sarili. Patingin-tingin ako sa paligid para masigurong walang tao. Sa aking pagmamasid, nahagilap ng aking mga mata ang isang pintuan na napapalibutan ng mga halaman.

"Sandali, ang pintuang ito.. parang nakita ko na ito kung saan."

Bigla itong bumukas at sa likod no'n, may nakakasilaw na linawag ang nagpakita. Napapikit na lamang ako dahil sa sobrang liwanag.

"Xenon."

Nagpabaling-baling ako para hanapin ang pinagmulan ng tinig.

"Xenon." Muli niyang banggit sa aking pangalan.

Napunta ang paningin ko sa liwanag sa pintuan.

"Handa ka na para malaman ang katotohanan."

Scent Of My Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon