Chapter 19

15 6 0
                                    


Searching For The Truth

Xenon's POV

Masaya akong lumalakad papunta sa hardin para makipagkita sa kanila. Kay tagal na ng huling pagsasama namin. Abala kase kami sa kaniya-kaniya naming gawain.

Iniisip ko kung kamusta na sila. Sa tatlong buwan ba namang hindi kayo nagkikita, siguradong mag-iisip ka kung ano ang mga ganap sa kanilang buhay. Kahit sa telepono man lang ay wala kaming paramdam sa isa't isa. Galing 'no?

Sa daan pa lamang ako ay kita ko ang pinto ng hardin kaya dali-dali akong lumakad patungo do'n. Nang binuksan ko 'to ay nabigla ako nang bumungad sa akin ang isang walang buhay na hardin.

Lahat ng mga magaganda't mababangong bulaklak ay nalanta, mga puno't halaman ay tuyo at patay na parang hindi diniligan ng ilang buwan. May mga ligaw na mga damo at halaman na tumubo. Ang iba naman ay nakapulupot sa mga light stand ng hardin o 'di kaya'y sa mga ding-ding nito.

Unti-unti kong nilalakad ang daanan ng hardin habang tinitingnan ang paligid. Sa bawat hakbang ko ay nagkakaroon ng ingay ang mga layang dahon at damo.

Nakakapagtataka lang dahil umulan dito no'ng isang araw. At hindi basta-basta malalanta ang mga halaman dahil pinangangalagaan ito ng nga hardinero ng eskwelahan. Posibleng may naglagay dito ng mga 'di kanais-nais na kemikal para patayin ang mga halaman pero kung may naglagay man, dapat amoy ko pa rin ang kemikal.

Ano kaya ang nangyari kung bakit nagkaganito ang hardin?

Nabulabog lamang ang pag-iisip ko nang marinig kong bumukas ang pintong nakakonekta sa kabilang bahagi ng lugar at iniluwa nito ang isang napalasilaw na liwanag. Napatakip ako ng mata ko dahil ibayong liwanag ang nasasaksihan ko ngayon.

"Xenon."

Narinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Mqy tumawag nga ba? O baka naglalaro lang ang nga tainga ko.

"Xenon."

Muli ay narinig ko naman na may tumawag sa pangalan ko. Kahit na nasisilawan ay sinubukan ko pa rin na tumingin sa paligid para hanapin kung sino ang tumatawag sa 'kin.

"Nakakalungkot isipin na nalalapit na ang oras na mabunyag ang katotohanan."

Palinga-linga pa rin ako sa hardin hanggang sa napadako ako sa liwanag na nanggagaling sa nakabukas na pintuan.

"Nawa'y mahanap mo agad ang katotohanan sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat."

Takang napatingin ako sa liwanag.

"Anong pinagsasabi mong hanapin ang katotohanan?"

"Nalalabi na lamang ang oras mo. Kung ako sa iyo ay kikilos na ako bago pa dumating ang trahedya na gigimbal sa buhay mo."

Natigalgal ako sa aking narinig. T-trahedya? G-gigimbal? M-may taning na ang b-buhay ko?

"Eto na ang huling bilin ko sa 'yo, kelangan mo maunahan ang trahedya bago ka mawalan ng kaisa-isang pagkakataon. 'Wag mong 'tong biguin pagkat para sa kapakanan mo ito, maliwanag ba?"

Nalilito man ay tumango na lamang ako bilang sagot sa kaniyang bilin.

"Hanggang dito na lamang ako. Hanggang sa muling pagkikita namin, Franz Xenon Alvarez."

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now