Chapter 26

6 4 0
                                    

Memories Of The Past

Franz Xenon's POV

"Psst!"

"Franz!"

"Patulong naman dito, Bhud."

Natawa na lang ako sa pasigaw na bulong ni Andrew sa 'kin. Nasa gitna kami ng unang markahan, pero nanghihingi siya ng tulong.

It's been five months since our conflict to each other happened and now we're in grade nine. We are okay to each other and we're back to normal like nothing happened to the three of us. The only difference now is that we have become closer to each other.

Dumoble ang tawanan at asaran namin sa isa't isa. Naging malapit din kami sa isa't isa. Ang kulang na lang ay magsalita sila patungkol sa kanilang buhay. Kung nakaranas sila ng mga 'di dapat maranasan ng isang walang kamuwang-muwang na bata.

Medyo naiinis ako dahil ni isa ay hindi sila nagsasabi ng kanilang saloobin pero halos alam na nila ang tamabuhay ko. Iniisip ko na lang na baka may dahilan sila para hindi nila ito sabihin. Hihintayin ko nalang na maging bukas sila sa 'kin.

Nilingon ko ang gawi niya. "Ano nama ang kailangan mo?"

Bahagyang yumuko ito at lumapit sa 'kin. "Patulog sa last part ng ating test sa Science. Wala talaga akong maisip na sagot."

Napailing na lang ako sa kaniya. Tiningnan ko muna ang gurong nagbabantay sa 'min. Sakto at abala ito sa kaniyang cellphone. Bumalik ang tingin ko kay Andrew at inilahad ang aking kamay sa kaniya.

"Akin na ang test paper mo." Bulong ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata nito. "Ano?! Timang ka ba?! Baka mahuli pa tayo ng ating guro, ayokong mabaog, tanga!", pabulong na singhal naman niya sa 'kin.

"Akin na nga. Ako nang bahala. Hindi tayo mahuhuli.", pabalik kong bulong sa kaniya.

Nag-aalangan man ay iniabot niya ang kaniyang test paper at agad ko itong kinuha at tumingin sa likod. Salamat naman at nakatuon pa rin siya sa kaniyang ginagawa.

Agad ko namang inilagay ang mga sagot sa huling bahagi ng papel kung saan bakante at wala pang isinulat.

Nang matapos sagutin lumingon ako sa gawi ni Andrew na ngayo'y nag-aabang sa kaniyang papel. Ibinalik ko sa kaniya ang test paper niya at agad na bumalik sa aking sinasagutan na pagsusulit.

Sana walang nakakita sa ginawa namin.

TATLONG ARAW ang nakalipas at wala naman akong narinig na pinapapunta kami sa teacher's lobby.

Naghihintay kami sa aming next subject. Buong araw ay puro checking lang ng aming mga papel ang ginawa namin. Mabuti't hindi naman masyadong mababa ang aking mga iskor.

Habang nakapikit at nakasandig sa aking upuan. Naramdaman ko na may tao sa aking harap kaya minulat ko ang aking mga mata.

"Franz, pinapatawag kayong dalawa ni Andrew sa teacher's lobby. May pag-uusapan daw kayo ni Ma'am Platino."

Tila naestatwa ako sa aking kinauupuan. Ma'am Platino? 'Di ba Science teacher namin 'yon?!

"Gano'n ba? S-salamat." Pilit na ngumiti ako sa kaniya saka pinuntahan si Andrew na nag-uusap kay Aldrei.

"Bhud, punta tayo ngayon sa teacher's lobby." Bungad ko sa kaniya.

Kumunot naman ang kaniyang noo. "What? Why? May problema ba?"

Lumapit ako sa kaniyang tainga. "May pag-uusapan tayong tatlo ni Ma'am Platino. Parang alam na niya ang nangyari sa pagsusulit natin."

Nang binawi ko ang aking ulo, nakita kong hindi gumagalaw si Andrew na parang binuhusan ng malamig ba tubig.

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now