Chapter 7

37 13 2
                                    

Almost Had It

Xenon's POV

Nandito na kami sa classroom, hinihintay si Professor Storm. Ang sakit parin ang panga ko dahil sa pagkakasuntok ng babaeng iyon. Akala mo parang sinagasaan ka ng truck dahil 'di mawari ang lakas nito. Ang bilis niya ding sumuntok. Hindi ko nailagan agad.

Nagtataka ako dahil 'di kase ako basta-basta natatamaan ng mga nakakalaban ko. Out of my parents' knowledge, I practice martial arts over two years for self defense. Mahirap na maging lampa at mahina sa mundo. Hindi mo alam kung ano ang paparating kaya mas magandang maging handa kaysa sa wala.

Napatingin ako kay Drew. Nag-isang linya ang kilay ko dahil ang lalim ng iniisip niya. Namumutla din ito. I snap my finger to get his attention but he didn't

"Hey, Saints.. you okay?" Iniwagayway ko ang aking kamay sa kaniyang harapan pero hindi niya parin napapansin. Tinampal ko ang mukha niya at doon siya nagkaulirat.

"H-ha? Ano yon Xenon?" Wala sa sariling tanong niya.

"Kanina ka pa tuliro dyan. Okay ka lang ba talaga? Hindi ka naman ganito kaninang recess ah?" Takang tanong ko.

"Ah, yun ba? Wala. May iniisip lang ako, hayaan mo muna ako." Kita ko ang panamawis ng kaniyang noo.

Nagtataka man ay hinayaan ko nalang siya gaya ng gusto niya. Ilang sandali ay natahimik ang lahat nang pumasok ang aming Propesor. Finally.

"Good morning class." Pagbati niya saamin kaya binati din namin siya. "Settle down, I will share to you what we discussed in our previous meetings. As Mr. Evankhelle said, sa Acquaintance Party ninyo ipapakita ang inyong mga talento. I bring this idea to our meeting and the teachers, so as the board of directors are agreed by this proposal and eventually approved it."

"The board is ecstatic nang malaman nila na may mga estudyante parin na pinapakita nila ang kanilang talento ng kusa. Pero may nagsabing masyado kayong marami at mauubos ang oras natin, so the board of directors made two twists. The first thing is, instead of showing your talents one by one, I need atleast two or more representatives here in this section because your talent showcase will be a competition."

I still remain my poker face pero ang mga kaklase ko ay napapasinghap na lang dahil sa kanilang nalaman.

"Hala, paano yan?"

"Sino ang mga representative natin?"

"Patay tayo nito."

"Hindi ko gusto baka mapahiya lang ako."

Samo't saring mga komento ang namutawi sa aming silid. Nababahala sila? Akala ko highest group of students ng star section ang nandirito?

"Tone down your voices class." Saway ni Mr. Walker at agad magsitahimik sila. "Here's the another twist. Your competition will be a tag team fight."

Tag team battle?

"Your soon-to-be partner will be a different strand. Either Arts & Designs, HUMMS, TVL, ABM, or GAS." May inilabas siyang maliit na garapon na may nakalukot na mga papel. "Nasa loob nito ang pares ninyo. Now, who will pick their partner?" Walang pumunta kay Prof.

Wala na akong magagawa kundi tumayo saka bumunot ng papel. Binuksan ko ito at kunot noong tiningnan ang nasaad doon.

Building 2.. Sandali ang building na iyon ay–

"Ang nabunot ni Xenon ay building 2, which is the building of the ABM strand. Swerte kayo dahil marami ang talentado doon." Ani Prof.

Sina Reese ang aming pares.

Scent Of My Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon