Chapter 13

20 6 0
                                    

Xenon's POV

"Wala akong pagsisisi sa aking sinabi."

"Hindi siya katulad ng mga nakilala kong tao na sinasabayan ang aking mga biro!"

"Kakaiba siya, kaya hindi ko alam kung paano ko pa siya naging kaibigan."

"Nagsisisi ako dahil nakilala kita, pero mas lalo akong nagsisisi dahil tinuring pa kitang kaibigan!"

Naalimpungatan ako dahil sa masamang panaginip. Parang nangarera ako ng ilang kilometro dahil sa lalim ng paghinga ko.

Panaginip lang ba 'yon? Bakit parang totoong nangyari.. hindi ba ito matatapos?

Napailing na lang ako saka tuluyan ng bumangon para makapaghanda.

Habang ako'y naliligo, sumagi bigla ang isang tao sa isipan ko. Her eyes that were deep, dark, and emotionless was written on her face, making me stunned that night.

Yes, I am emotionless but seeing other people wearing that stoic faces gave me chills a bit and she was the first person who stunned me like that. How did she do that?

Ipiniling ko na lamang ang iniisip ko saka iniisa-isa ang mga gagawin ko. Gagawa pa ako ng mga assignments sa eskwelahan. Hindi ko matapos-tapos lahat sa isang gabi dahil napakarami ang ibinibigay ng mga subject teachers namin. Lalo na sa subject na Biology. Martes na ngayon at ito na ang huling araw ng aking pag-eensayo kaya itotodo na namin para bukas ay makapagpahinga kami.

Sa gabi magsisimula ang aming Acquaintance Party na siya ring pagtatanghal namin sa paligsahan kaya may oras pa kami para makapaghanda. Ano pa nga ba ang iisipin? Wala namang problema sa workout, normal namang nag-uusap sina Mama at Papa, ang talaarawan ay hindi ko pa gaanong nababasa kaya sa - sandali...

The diary!

Mabilis ang pagkilos ko sa banyo saka nagtapis ng tuwalya. Kahit na tumutulo pa ang ilang butil ng tubig mula sa aking buhok ay hindi ko 'yon inintindi at dali-daling hinalukay ang aking bag.

Nang makita ko ito ay umupo ako sa dulong bahagi ng kama at pumunta sa huling pahina nabasa ko.

July 7, 2016

Dear diary,

Ellow! Pasensya na kung ngayon lang kita nasilayan at kakausapin. Naging abala ako sa mga pinapagawa ng aming mga guro. Quizzes dito, assignment doon, gagawa ng output at mga maliliit na proyekto kaya mag-iisang buwan na akong hindi makatulog ng maayos.

Sa isang buwan na 'yon, hindi ko maipagkakaila na naging masaya ako, totoong kasiyahan ang nadarama ko magmula noong nakakasama ko sina Andrew at Andrei. Idagdag pa si Sawyer at ang nakilala kong kaklase na si Airon.

Marami-rami ang nangyari, isa na doon ang paglaro namin ng Touch The Body. The game is easy as we speak. Parang dodge ball pero ang gagawin mo lang ay iilag lang at sasalo para maka-ipon ka ng iyong buhay.

Puno ng tawanan ang aming laro, ang iba ay natitisod pero sige parin ang laro, merong napapatid dahil sa sarili nilang mga papa, nadudumihan ang mga uniform pero laro parin ng laro. Nang mapunta sakin ang bola, sasaluin sana ni Andrew pero ang manoy ko pa ang nasalo niya HAHAHAHA. Gago siya, inilalarawan pa niya na ang lambot kung hawakan. Malamang sa malamang, tulog pa! Mabuti hindi nila nakita ng iba dahil sigurado akong kakantyawan at pagtitripan nila kami.

Masaya ang mga araw ko dahil sa kanila. Sana ay palaging ganito. Dahil sa mga panahong lumilipas, parang nakikita ko na kung nasaan ako kabilang.

The Wanderer,
Franz Xenon

Heto naman ako, sa kada basa ko ng talaarawan ay parang bulkan na sumasabog ang samu't saring emosyon. Hindi ko malaman kung saan ito nagmumula at wala akong alam kung bakit nararamdaman ko ito.

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now