Chapter 5

49 14 0
                                    

Talents

Drew's POV

"Ahh ako na pala?"

"Alam mo Andrei, pabayaan na natin siya. Wala namang ginawa 'yan kundi buntot nang buntot sa atin."

"Ang tunay na barkada, hindi naaapektuhan sa sinasabi ng kaniyang kapwa barkada."

"Nang dahil sa 'yo, namatay ang ating matalik na kaibigan!"

Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa masamang panaginip. Panaginip nga ba? Parang totoong nangyari.

Kung minamalas ka naman. Lunes na Lunes, masama ang panaginip pero nagtataka ako. Bakit ko iyon sinasabi? Why was Reese inside my dream? And his name is.. Andrei?

Ipiniling ko nalang ulo ko at 'di ko na binigyan ng pansin. Napatingin ako sa orasan.

5:30 na pala.

Kaya tuluyan na akong bumangon at umunat ng likod saka nag asikaso para makapasok.

This is my everyday routine at walang nagbabago. Lima kami sa isang pamilya, may dalawang panganay, isang lalaki at isang babae. Ang aking mga magulang ay nag aasikaso ng kanilang mga trabaho sa ibang bansa, samantala ang unang panganay na lalaki ay nag aaral na sa kolehiyo. 2nd-year college, same as my elder sister which is a college freshman.

Ako lang mag-isa dito sa bahay kaya malaya akong gawin kung anong gusto ko pero alam ko ang mga limitasyon para hindi sila magalit.

Pagkatapos kong mag-ayos sa sarili ay kumuha lang ako ng dalawang sliced bread at lumabas na saka tinahak ang daan patungo sa eskwelahan.

This is the third week of the month of September. 4 weeks from now, Acquaintance Party na namin yon.

Wala parin kaming balita tungkol sa event na 'yon. Maybe they are still discussing things that need to be materialize as soon as possible.

Speaking of Acquaintance Party, naala-ala ko bigla ang deal namin ng gagong Evankhelle na yon. Hindi naman ako nababahala sa deal namin. Mas nababahala ako sa kahahantungan ng aming deal pag ako ang nanalo.

Hindi naman siya seryoso sa paglipat ng eskwelahan, hindi ba?

I don't know but I want to backout from our deal. I have this feeling that I don't want him to disappear in my life. Parang may kailangan pa akong gawin na pambawi sa kaniya and I don't know what it is.

Somehow, I feel like he is an important person that I don't want to lose yet I have this anger towards him. Natatandaan ko pa ang pagsinghal niya sa akin noong 2nd day of school at nilampasan ako na parang wala lang pero hindi ganon ka kitid ang aking isipan para magalit ako ng husto sa kaniya. Siguro bad trip siya noong panahong iyon kaya ginawa niya 'yon sa akin . Kahit na hindi siya humingi ng tawad ay napatawad kona siya pero depende naman sa kaniya kung hihingi pa siya ng tawad o hindi.

Weird right? Napatawad ko na ito kahit na hindi pa siya humihingi ng tawad. That's what I feel though.

Itinigil ko na ang pag-iisip dito at ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa eskwelahan, baka kung ano pa ang papasok sa aking kukute. Kahit natulog ako sa tamang oras ay parang antok parin ako.

Bakit kaya?

Xenon's POV

Maaga ako pumasok dahil ito ang aking nakagawian. Nasa tapat pa lang ako ng gate ay nakikita ko na si Reese na nakaupo sa fountain, naka-headphone ito na tila, nakikinig ng musika.

Naglakad ako palapit sa kaniya. Hindi niya naririnig ang paglakad ko dahil abala ito sa pakikinig habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

Medyo natawa ako dahil misan ay binabagsak-bagsak niya ang kaniyang ulo na parang nagrarock-and-roll. It looks like he's enjoying.

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now