Chapter 33

13 4 0
                                    

Xenon Frost's POV

Morning came and I woke up with the lightest mood I've ever felt in my entire life. I don't know why, but one thing for sure is waking up with this feeling only means my day will be as scintillating as the sun.

My eyes searched for Cipher, but I feel no presence within this room. Silence is the only thing that I can grasp here. I was about to get up from bed when the door open all of the sudden then a young man that I know walks in the room.

"Oh, you're awake. Tamang-tama dahil may dala akong pang-agahan natin," he showed me three medium sized white plastic bags, "bumili lang ako sa isang fast food restaurant sa kanto malapit dito."

Napantig ang dalawang tainga kong nang sinambit niya ang mga katagang "fast food" at napatitig sa mga bag na dala-dala niya.

Matagal na panahon pa ang huling kain ko sa mga restaurant. Mahigpit kasi na ipinagbabawal sa 'kin ng mga doktor ko na kumain ng mga pagkain kagaya ng fried chicken, fries at iba pa. Kailangan ko raw kumain muna ng mga masustansiyang pagkain na pabor naman sa akin.

Wala naman masamang kumain na ng mga pagkain kagaya ng mga binili niya dahil nabawi ko ang katawan ko noon sa loob lamang ng isang linggo. Paano, puro kain lang ako ng kain. Pero pinipili ng ospital ang mga kinakain ko.

Mostly gulay, isda, at may sabaw ang mga ulam binibigay ng mga nurse. Plus, I always add five cups of rice every meal, kaya 'wag na kayo magtaka kung paano ko nagawa 'yon.

"I know you've been craving for fast foods. And since that this is your last day of staying here in the hospital and your doctors finally allowed you to eat anything, I decided to buy you some foods." Isinara niya ang pintuan gamit ng kaniyang paa at lumapit sa lamesa saka inilagay ang mga bag roon.

Ako naman ay hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko nga ay parang nagniningning ang mga mata ko sa sobrang saya. Dali-dali akong bumangon sa aking kama at umupo sa bakanteng silya.

"Woah, easy. You have plenty to eat," he then laughs and take out the foods out from the bags," you can now eat freely with any restrictions coming from your doctors. Dig in, Xenon." Umupo ito sa harap ko saka naunang kumain.

Indeed, this is a great morning.

Masayang tumango ako sa kaniya at maingat na pinagbubukas ang mga lalagyan ng pagkain. Agarang nanuot sa ilong ko ang amoy ng mga pakain. Hindi ko na rin mapigilan ng panunubig ng bagang. Bago pa tumulo ang laway ko, nagsimula na akong sumubo.

Parang inilapad ako papunta sa langit nang sumabog ang lasa ng kinakain kong pancake. I can't help but to moan in satisfaction because of the food that touched my palate. I feel like my whole body just regain its true strength by the time I eat a single slice of a pancake. How weird is that?

"Damn, Cipher. I've never felt so elated when I eat breakfast like this. It's so good," gagad ko habang pikit-matang nilalasap ang pagkain.

"Yeah, halata nga sa mga reaksiyon mo," natatawang saad siya saka uminom ng hot choco.

Ngumisi lang ako sa kankyang iningnan ko ang lahat ng pagkain na nakalatag sa aming harapan. Hindi ko maiwasan na kumunot ang noo ko. Marami siyang pinamili na mga pagkain, pero bakit parang makukulangan kami nito? T*ngina, gano'n na ba ako katakaw? Or maybe I'm only just starving for these kind of foods?

"Natulala ka ata. May problema ba? May hindi ka ba nagustuhan sa mga pagkain na binili ko?"

Napatingin ako sa kaniya, "wala naman. Actually, lahat ay masasarap. Unang tingin pa lang, parang lulunok ako ng isang basong puno ng laway ko."

Scent Of My Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon