Chapter 32

12 4 0
                                    

Xenon Frost's POV

Eto na ang huling gabi na pamamalagi ko sa ospital. Alas onse na ng gabi. Ilang oras na lang ang natitira at madi-discharge na ako kinaumagahan. Nasasabik na akong pumasok ulit sa eskwelahan.

Kaya lang babalik ako sa grade eleven. Nalimutan kase nina Mama at Papa na asikasuhin ang clearance ko, kaya ang kinalabasan hindi ako makakatungtong sa grade twelve. Saklap ng buhay ko.

"The principal sent you an email, Xen."

Dumako ang tingin ko sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa habang may laptop na nakapatong sa kaniyang hita.

Kumunot ang noo ko. "An email? For what?"

"The email states that our director, Mr. Lazarus Garcia, will accelerate you from your current grade level to first-year college next school year. Because of your outstanding performance in academic and extracurricular activities, you will not retake grade eleven, again," tumingin ito sa akin na may bakas na saya sa kaniyang mga mata pero ang mukha niya ay napakalamig pa rin, "hindi ka na mahuhuli at mahihiwalay sa ating batch."

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa labas ng bintana. Dapat masaya ako sa nalaman ko. Kung sa iba ay tumatalon-talon na ito sa tuwa pero bakit gano'n? Kahit simpleng ngiti ay hindi ko magawa-gawa.

"Hey, you should be celebrating by now. Direktor na ng eskwelahan natin ang nagbigay ng email sa 'yo na makakatungtong ka pa rin sa kolehiyo sa susunod na pasukan, kahit na hindi ka nag grade twelve. Aren't you happy?"

Napatigil ako ng ilang segundo sa sinabi niya. "It's just... I'm still bothered of something."

Narinig kong umismid siya kaya binalingan ko siya. Hindi na niya isinusuot ang kaniyang salamin at nakasarado na ang laptop sa kaniyang gilid.

"Palagi ka namang ganyan, eh. Simula no'ng gumising ka mula sa mahabang panahon ng pagkaka-comatose mo, walang kang iba ginawa kundi tumingin sa malayo nang walang mababakas na emosyon sa mukha mo. Pwera na lang kung nandito ang babaeng 'yon."

Bumuntong-hininga na lamang ako. Tama naman siya. Malayo parati ang iniisip ko. Minsan nakikita kong tulala ako sa kawalan. Bumabalik lang ako sa realidad kapag nandito sa tabi si Yiera. Somehow, she's a potion that makes me stop from dwelling to the abyss, but it only lasts for a short period of time.

She has classes to attend, and I can't stop nor tell her that I want her to stay by my side. I'm not gonna court nor do any moves to show how I really feel for her. I'm still a mess and I don't wanna be a burden and a pain on her shoulders.

"Don't lie to me. I know that you're still mourning because of them."

Wala sa oras na napatitig ako sa kaniya.

"I am aware that your relationship between that Drew guy has something to do with your absent-mindedness. Not to mention, this Reese and Nicholi guys, too."

Nanlaki ang mga mata ko sa mga katagang isinawalat niya. Paano niya nakilala sila? Ni isang beses ay hindi ko binanggit ang mga pangalan nila sa kaniya.

"I ahm... have a confession to make," kinamot muna ang kaniyang batok saka nahihiyang tumingin sa 'kin, "since the day that we bumped each other, I kinda... stalked you?"

"Wait, what?!" Wala sa oras na napabangon ako sa aking hinihigaan. "Why are you fucking stalking me? Aren't you aware that you're making yourself a creep?!" Agarang sigaw ko sa kaniya dahilan para mapangiwi agad siya.

Tangina naman, oh. Kaya pala hindi ako mapakali sa tuwing may pupuntahan ako dahil kahit saang anggulo ay pakiramdam ko parang may nakamasid sa malayo. Meron palang may naniniktik sa mga galaw ko.

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now