Chapter 16

12 6 0
                                    


Are You Human?

Someone's POV

Nakakabanas talaga ang araw na 'to, una nawala ang microchip na naglalaman ng mga mahahalagang data ng mga estudyante dito, tapos ngayon may bumangga pa sa akin?! Wala na bang may mas ikasisira ng araw ko?!

Pabalang na umupo at sa harap ng aking mga computer. You read it right. Mga computer. I have three large monitors because I'm a gamer and at the same time, hacker. Siguro lahat naman ay gustong maging hacker, depende sa kanilang p*tang-inang desisyon kung bibigyan nila ng pagkakataon ang kanilang sarili.

Tungkol naman sa nawawalang microchip ko, naglalaman iyon ng nga data ng bawat estudyante sa Cristobal Academy. Lahat ng kanilang mga gawain, estado sa buhay at ang pinagmulan nila. Lahat ng nga CCTV ay napasukan ko at malaya akong nanonood sa mga gawain ng mga estudyante.

Minsan may mga pagkakataong napapanood ko sa loob ng CR ang mga ginagawa ng nga magkasintahan. Mga babae nga naman ngayon, pumapatol sa mga gwapong hindi naman kalakihan ang kanilang mga tar*go.

Call me a stalker, I don't f*cking care. Hindi naman talaga ako stalker kung 'yan ang iniisip n'yo. Mahilig lang ako kumuha ng mga impormasyon para sa oras na kalabanin nila ako, sisiguraduhin kong ipaparamdam sa kanila na hindi na nila gustong mabuhay pa.

Papatayin ko na sana ang aking PC nang may nagpop-up na video sa screen. Agad ko itong pinanood at nakita ko na may pumasok sa Dancing Room ng eskwelahan. I raise the vision of the CCTV for a better look, and to my surprised, it's him.

Pinanood at inobserbahan ko ang bawat galaw niya sa loob ng silid. Maya-maya pa ay may kinalikot ito sa isa sa mga radyo ng silid at pumunta sa gitna ng silid, kaharap ang malaking salamin saka may sinambit na pangalan ng kanta.

Nang pinaunlak ng radyo ang kaniyang hiling ay agad nitong pinatugtug. Seconds later, I see him dancing with all his will. Bahagyang napanganga ako dahil sa aking nasaksihan. His moves are out of control but it fits perfectly on the beat. The shifting of his body, the hand coordination, it's just too good to be called perfect.

Agad akong naghanap ng mga impormasyon ukol sa kaniyang pagkakakilanlan. When I press enter, there's none. No results is stated on the screen. I feel pissed a bit so I search his name in every website, database, interpol, and files that I know. Kahit na ang Government Police Files ay hindi ko pinalampas at hinack ko.

Kampante akong lusubin ang kanilang mga files at databases dahil hindi nila malalaman kung nasaan ako, kahit na halughugin pa nila ang buong Pilipinas ay aabutin sila ng ilang buwan bago pa nila ako mahuli.

Loading... loading... NO RESULTS

Loading... NOT FOUND

Agad kong sinuntok ang isa sa mga monitor ng aking computer pero nabitin ito sa ere nang maalala kong magagalit sa akin sina Papa. Gustuhin ko man ngunit ibinaba ko na lang ang kamay ko at pinanood ang patapos na pagsasayaw niya.

I won't stop until I get your name, boy.



Xenon's POV

Kanina pa kami dito sa silid-aralan namin, abala sa pagtuturo si Professor Walker at tutok na tutok naman ang mga kaklase ko, lalo na sina Drew at Akira.

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now