CHAPTER 41

43 3 3
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 41

"I'm sorry. Hindi ko alam na ganiyan pala ang pinagdaanan mo. I'm really sorry Jen." At niyakap ako ni Shi. Sa ginawa niyang iyon ay naiyak na lamang ako ulit. Ngunit ngayon ay masasabi kong hindi na ganoon kasakit at kabigat ang nararamdaman ko. Dahil hindi na ako nag-iisa, may ibang tao na na nakakaalam ng mga problema ko.

Ayaw kong makadagdag pa sa mga problema mayroon si Shi pero siya lang din kasi ang taong komportable akong pagsabihan ng problema ko at alam ko rin na handa siyang makinig sa akin.

Sa sobrang pag-iyak ay nakatulog na ako sa bisig niya. Pag-gising ko ay magdadapit hapon na at ako na lang mag-isa sa kwarto. Mahaba-haba na rin ang naipahinga ko. Nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo na ako. Gusto ko sana maglinis ng katawan para rin sana mahimasmasan at maginhawaan ako pero hindi ko naman alam kung saan ang CR.

Minabuti kong lumabas na lang muna ng kuwarto at hanapin si Shi. Pagbukas ng pintuan kung saan pumasok si Shi kanina ay isang hallway ang bumungad sa akin. Sa dulo noon ay kita ko ang isang malaki at magarbong chandelier na nakasabit sa kisame. May mga pintuan pa sa gilid ng hallway.

Naglakad ako hanggang sa makarating sa dulo ng hallway suot ang isang malaking t-shirt at panjama na ngayon ko lang napansin na suot ko pala. Padating ko sa dulo ay namangha ako sa nakita ko. Nasa pangalawang palapag ako ng malaki at magarbong bahay, nakasabit sa mataas na kisame ang malaking chandelier.

Pagtingin ko sa kaliwa ko ay kita ang isang malaking living area. Doon din sa parteng iyon ay may balkonahe. Sa magandang dingding ay may nakasabit na mga picture ng iba't ibang lalaki na hindi ko kakilala kung sino-sino. Ang napansin ko ay puro sila singkit na katulad ni Shi.

Sa gawing kanan ay makikita ang hagdanan pababa sa pangalawang palapag. Habang naglalakad pababa ay kita ko ang mga muwebles sa unang palapag na nakalagay sa isang malaking aparador. May iba't ibang mga kagamitan din na mukhang mamahalin at antic pa. Kita rin ang magandang tanggapan ng malaking bahay.

Nang makarating ako sa dulo ng hagdanan ay siya namang paglabas ni Shi.

"Oh Jen." At lumapit agad siya sa akin at inalalayan akong maglakad.

"Ayos na ko. Wag mo na 'kong alalayan." At medyo lumayo kay Shi. Hinayaan naman niya ako.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Shi sa akin. Inaya niya akong umupo sa sofa.

"Okay naman na ako. Medyo masakit lang ang ulo ko pero kaya naman." Sabi ko pagkaupo sa sofa at nginitian ko siya para ipakitang ayos lang talaga ako.

"Mabuti naman kung ganoon. May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang."

"Medyo...gutom na nga rin ako." Nahihiyang sagot ko.

"C'mon. Ipagluluto kita." Hinila niya ako papunta sa gawing kanan ng bahay at bumungad sa akin ang malaking kusina. Pinaupo niya ako sa center island ng kusina.

"Wait ka lang diyan." Sabi niya sabay ngiti sa akin.

Pinanuod ko lang siyang magluto. Sa dami ng problemang mayroon ako ay ipinagpapasalamat ko na may kaibigan akong katulad ni Shi. Handang makinig at dumamay sa akin at paulit-ulit kong ipagpapasalamat iyon.

Matapos niyang magluto ay sinabayan na rin niya ako sa pagkain. Sa hapag ay nagkwento ng nagkwento si Shi at siniguro talaga niyang hindi ako mababagot o mayayamot. Pinatawa niya ako sa kung ano-anong kwento niya.

Nang matapos kaming kumain ay tinanong ko siya kung saan ako pwedeng maglinis at sinamahan naman niya ako papunta sa CR, binigyan din niya ako ng pamalit na damit. Noon ko din nalaman na ang mga maid ang nagpapalit ng damit ko habang wala pa akong malay.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon