CHAPTER 27

49 5 2
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 27

Sa haba ng naging kwentuhan namin kanina ay muntik pa naming makalimutan iyong tour namin. Iyong mismong tour guide pa ang sumundo sa amin sa restaurant para sabihing malapit na ang simula ng tour namin.

Agad kaming umakyat sa kwarto para magpalit ng damit. Nakaligo na pala silang lahat at ako na lang ang hindi kaya minadali ko ang paliligo ko. Dalawa ang banyo dito sa kwarto namin kaya doon sila sa isang CR naghalinhinang magbihis. Sa sobrang pagmamadali ay nakalimutan kong dalin ang damit ko sa CR.

Nahihiya man ay lumabas ako ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Paglabas ko ay si Shi na lang ang inabutan ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita siyang walang suot na pang-itaas. Agad kong iniwas ang tingin ko. Naalala ko tuloy iyong dati. Noong nabasa ko ng luha ang damit niya at pinahubad ko ang damit niya. Kaso sa harapan ko naman mismo siya naghubad.

Umubo ako ng peke para mawala ang kung anong nakabara sa lalamunan ko na hindi ko alam kung saan nagmula at naglakad na papunta doon sa cabinet nila Annalyn.

"Ah Jen." Napatingin ako sa kaniya ng tawagin niya ako. Kitang-kita ko ang hubog ng katawan niya nang gawin ko iyon. Base sa natatandaan ko ay mas dumoble ang laki nito ngayon kaysa noon. Iyong apat na umbok sa tiyan niya naging walo na. Iyong mga braso niya mas lumaki na. Tapos ung dibdib niya rin. "Nadoon na sa cabinet na iyon lahat ng gamit mo." turo niya sa maliit na cabinet kanina.

Nabalik ako sa ulirat ng magsalita siya ulit. Agad kong iniangat ang tingin ko sa mukha niya. Nakangising mukha at naka-kagat pa sa labi ang Shi na inabutan ko. Noon ko na-realize na nahuli niya akong nakatingin sa katawan niya. Panigurdaong namumula na ang mukha ko sa hiya ngayon.

"O-okay." Sabi ko na lang at tumalikod na sa kaniya para puntahan ang maliit na cabinet. Nakakahiya ka Jen. Bakit ba kasi tinignan mo pa iyong katawan niya? Tinampal ko ang pisngi ko sa inis sa sarili.

"Ikaw Jen ah. Hanggang ngayon pala may pagnanasa ka pa rin sa katawan ko. Naalala ko tuloy noong highschool tayo. Your eyes earlier...ganoon na ganoon ang mga mata mo noong nakita mo ang katawan ko noon." Pakiramdam ko ay lalong nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

Itinuloy ko na lang ang pagkuha ng damit sa cabinet. Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa akin kaya binilisan ko na ang pagkuha ng damit. Nang matapos ay agad akong umikot para pumunta na sa banyo kaso nasa likudan ko na pala si Shi.

Hindi pa rin siya nagbibihis kaya mas kita ko ngayon nang malapitan ang katawan niya. Nanlaki ang mga mata ko nang maglakad pa siya palapit sa akin. Wala akong nagawa kundi ang umatras. Bakit parang nangyari na ito sa akin dati? Ah, oo. Noong nakalimutan kong kumatok.

Hindi nawawala ang ngisi sa mukha niya habang unti-unti siyang lumalapit. Naramdaman ko na lang na napasandal na ako sa cabinet na nasa likudan ko. Inilagay ko ang mga kamay ko sa dibdib ko habang may hawak iyon na mga damit. Na para bang mapoprotektahan ako ng mga iyon.

Nakatingin lang ako sa mukha niya dahil ayokong nang tumingin pa sa katawan niya. Kitang-kita ko kung paano naging seryoso ang mukha niya mula sa pagiging maloko. Mas lalo akong kinabahan. Anong gagawin niya?

Kahit wala na akong maatrasan ay pilit ko pa ring isinisiksik ang sarili ko sa cabinet. Mabuti na lang at huminto na siya sa pag-abante. Lilihis na sana ako pagilid nang ilagay niya ang dalawang kamay niya sa cabinet. Tinatanggalan ako ng pagkakataong maka-alis sa puwesto ko. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Jen." Tawag niya sa pangalan ko habang titig na titig sa mga mata ko. Iniyuko pa niya palapit ang mukha niya sa mukha ko "Gaano katagal man ang panahong lumipas wala pa ring nagbabago. Maliban sa nagmatured na tayo ay wala na. Ganoon pa rin gaya ng dati..." pabitin niya sa sasabihin niya. Nakatingin lang ako sa mukha niya at sa mga seryoso niyang mga mata. "... gusto pa rin kita."

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon