CHAPTER 26

58 5 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 26

Nakikita ko mula dito sa pwesto ko ang mga damit ko. Pati na rin ang mga underwear ko. Iniangat ko ang tingin ko kay Annalyn. Dahil naka-balunbon ang isa pang tuwalya sa buhok niya ay kitang-kita ang kabuuan ng mukha niya. Nakita kong gumalaw ang panga niya.

"A-ah... Anna--"

"Babe." Singit ni Sir Alvarez sa sasabihin ko sana. "There's no space in other cabinet kaya ang sabi ko kay Jenny diyan na lang niya ilagay iyong iba niyang gamit. Hindi na rin kasi nagkasya doon sa cabinet nila Shi." Paliwanag niya.

Hinarap ni Annalyn si Sir Alvarez. Kahit na nakangiti siya ay kita pa rin ang irita sa mukha niya.

"Oh. Is that so." Rinig ang sarkastiko sa boses niya nang sabihin iyon. "Well, wala naman na akong magagawa. Nandito na rin naman ang mga gamit niya." Mataray at nakataas ang isang kilay na sabi niya.

Lumingon siya sa akin at sinadyang pairap na ibinalik ulit ang tingin sa cabinet nila. Tatayo na sana ako para kunin ang mga gamit ko sa cabinet nila.

"Wag mo ng subukang kuhanin." Sabi ni Annalyn na nakapag-patigil sa akin sa pagtayo. "Your underwear looks so perfect in here anyway.... Katabi ng mga briefs ni Matt." At padabog niyang isinara ang pinto ng cabinet.

"Annalyn." Tawag ni Sir Alavarez sa kaniya pero naglakad na siya papunta sa CR. Sinundan niya si Annalyn. Literal na sinundan dahil sumama pa siya sa loob ng CR.

Napaupo na lang ako. Kahit kailan talaga problema na lang ang dala ko. Wala na ba akong magagawang tama kapag kasama sila. Naramdaman ko ang nagbabadyang pagtulo ng luha pero agad ko iyong pinigilan.

Hindi ka na iiyak ulit sa mga maliliit na bagay tulad nito 'di ba, Jen? Pangako mo iyan. Hindi ka na magiging iyakin. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit naiiyak ako? Ano ba Jen!? Umayos ka! Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Ipinikit ko ang mata ko para pigilan ang mga luha.

"Jen." Naimulat ko ang mga mata ko at napatingin kay Andrie na nasa harapan ko pa rin pala. "Wag mong masyadong isipin ang mga sinabi niya. Nagselos lang siguro iyon." Tumawa pa siya kunyari ng sabihin iyon. Pinapagaan ang loob ko. Tumango ako at gumanti ng ngiti sa kaniya.

"Magpahinga ka muna. Mamayang after lunch pa tayo aalis para sa tour kaya mahaba-haba pa ang pahinga mo. Sige na at sasamahan ko lang si Shi. Gusto ko rin kasing makita ang lugar." Nakangiting sabi niya at umalis na nga siya.

Humiga na lang ako sa kama. Mukhang masisira ko pa ata ang bakasyon namin. Unang beses na nagkita kami ni Annalyn doon sa restaurant at nalaman kong girlfriend siya ni Sir Alvarez. Alam ko ng may mali. Mabait siya sa akin noon pero may kutob na kong pakitang tao niya lang iyon dahil nasa harap kami ng ibang mga professors.

Hindi maganda ang huli naming pagkikita ni Annalyn kaya kataka-taka talaga. Galit siya sa akin noon dahil sa pagkatalo namin at sa iba pang bagay. Ngayong siya ang girlfriend ni Sir Alvarez ay inaasahan ko ng mangyayari ito. Hindi ko lang talaga napaghandaan ang kanina.

Dapat pala ipinilit ko ang gusto ko kanina eh. Dapat hindi ko hinayaan si Sir Alvarez na ilagay ang mga gamit ko sa cabinet nila. Kung bakit ba kasi sa tuwing kami na lang dalawa at walang nakakakita ay parang may iba sa akin. Parang kung ano ang sabihin niya ay susundin ko kaagad.

Naiinis ako sa sarili ko. Anim na taon Jen. Anim na taon na ang lumipas pero bakit nagkakaganyan ka. Hindi ba ang sabi mo kokontrolin mo na ang emosyon mo. Pero bakit kanina ay hindi mo nagawa iyon. Muntik ka pang umiyak.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon