VALENTINE'S SPECIAL

50 5 0
                                    

Happy Valentine's!!! ^_^

This is a special update since I didn't updated much this fast weeks because of modules.
Have a good day and always keep safe.
Love lots❤❤❤

Note: This is not part of the original story. It's just a special chapter that I thought because it's Valentine's Day. Hope you like it.

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

Accident


Kailan ko kaya ulit siya makakasama?

Halos tatlong linggo na rin.

Namimiss ko na siya.

Sana umuwi na siya.

Kahit na nag-away kami bago siya umalis hindi naman siguro ibig sabihin noon eh hiwalay na kami? Hindi ba?

Ayaw ko rin naman siyang tawagan o i-text kasi baka isipin niya masyado akong clingy. Hindi rin kasi talaga kami madalas magtawagan kaya baka manibago siya. Isa pa, ako ang naunang mang-away.

Sana umuwi na siya mamayang gabi. Hihintayin ko siya hanggang mamayang gabi pero kapag hindi siya dumating. Tatawagan ko na talaga siya.

Ang tagal ng tatlong linggo, natiis niya ako.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako at kinuha ang bag ko at isang folder na naglalaman ng mga pangalan ng estudyante na tuturuan ko ngayong hapon. Malapit na ang graduation ng mga estudyante at nasa unang linggo na rin kami ng Marso.

Naglakad na ko papunta sa mga klase ko. Ang totoo niyan ay wala naman na talagang discussion pero ito rin kasi ang paraan ko para makita kung sino ang mga pumapasok pa at hindi na. May minus kapag marami na silang absent.

Natapos ang maghapon ko na nakikipagkwentuhan sa mga estudyanteng completed na at mga nakatambay na lang sa mga rooms nila.

Malapit na ako sa opisina nang may tumawag sa akin. Tinignan ko kung sino at nagulat ako ng makita ang pangalan niya. Agad kong sinagot ang tawag at hindi mapagsidlan ang saya na nararamdaman ko.

"Hello!" Masayang bati ko na habang may malaking ngiti sa mga labi.

"Hello. Is this.... S-Sweetheart ko?" Sagot ng nasa kabilang linya. Mukhang tinignan pa niya ang pangalan ng tinatawagan niya bago siya sumagot. Bakit iba ang boses niya?

Nagtaka naman ako sa kung sino ang sumagot. Tinignan ko ulit ang cellphone ko at pangalan pa rin naman niya ang nakita ko.

Kapag naaalala ko na 'Sweetheart ko' ang pangalan na inilagay niya para sa numero ko ay hindi ko maiwasang kiligin. Umiling ako at itinuon na ang pansin sa tumatawag.

"Ako nga. Sino ito? Hindi ba ikaw si Matt?" Tanong ko na.

"Hindi po. Emergency po Ma'am. Kasalukuyan na po naming isinasakay sa ambulance ang boyfriend niyo. Nasangkot 'ho siya sa isang aksidente."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Ang saying naramdaman ko ay bigla na lang naglaho. Agad akong tumakbo papunta sa entrance ng school. Hindi na iniisip kung pinagtitinginan na ako ng ilang mga estudyante dahil kahit na nakatakong ako ay binilisan ko pa rin ang takbo ko.

Muntik na akong madapa kung hindi lang ako naalalayan ng isang estudyanteng nakasalubong ko. Hindi ko na nakuhang magpasalamat at nginitian ko na lang ang estudyante. Nang nakalabas ako ng school ay papara na sana ako ng taxi o ng kahit na anong pwedeng masakyan nang may humintong kotse sa harapan ko.

Hindi ko iyon pinansin at itinuon ang tingin sa kalsada, nagbabaka sakaling may mapadaan na taxi o jeep. Nagulat ako ng biglang bumisina ang kotseng nakatapat sa akin. Pagtingin ko ay nakita ko si Jerick na siyang driver at si Emman na naka-upo naman sa passenger seat. Agad akong pumasok sa likudan nf kotse ng walang sabi.

"Please Jerick. Ihatid mo ako sa hospital. Please. Kung pwede ay pakibilasan na rin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Please Jerick. Nag-mamakaawa ako sa'yo." Halos maiyak na na sabi ko. Pinaandar niya ang kotse at hindi pa rin ako mapakali.

"Ano bang nangyayari?" takang tanong niya.

"Oo nga po Miss. Kumalma po muna kayo. Ano po bang nangyayari?" sbai rin ni Emman.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon