CHAPTER 35

45 5 0
                                    

A/N: SORRY KUNG NATAGALAN, MAY GINAWA LANG AKO FOR SCHOOL.
BY THE WAY, ITO NA ANG UPDATE. MGA BY SATURDAY OR SUNDAY MAG-UUPDATE ULIT AKO.
HOPE YOU ALL UNDERSTAND.
EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!!  ^_^

CHAPTER 35

Laglag ang mga balikat akong naglakad pabalik sa office. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo lang doon at nakatingin sa mga dala-dala ni Eman kanina para sa akin. Nag-iisip kung kukunin ko ba hindi ang mga iyon. Sa huli ay pinili kong hindi na kunin gaya ng mga ibinibigay ng ibang manliligaw ko na hindi ko naman talaga tinatanggap.

Nagtataka man kung bakit wala akong nakakasalubong ni isang professor sa daan ay hindi ko iyon mapagtuunan ng pansin sa lalim ng iniisip ko. Hindi nag-iisip na basta na lang akong pumasok sa opisina. Hindi na nag-abala pang kumatok.

Pagpasok ko ay dumiretso ako sa lamesa ko at hindi na pinansin pa ang paligid. Kinuha ko lang ang bag ko at naglakad na ulit palabas ng office. Malapit na ko sa pintuan ng may pumigil sa akin at tinaban ang braso ko. Napalingon ako kung sino ang gumawa noon.

"Ayos ka lang?" napatingin ako sa mukha ni Matt nang sabihin niya iyon. Tumango lang ako at tinalikudan na siya para lumabas na ng office pero ayaw niyang bitawan ang braso ko.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na nakuhang kiligin sa sobrang lapit niya sa akin at sa pag-aalala niya para sa akin.

"Uuwi ka na?" tanong niya ulit.

Hinarap ko siya at tinanguan ulit. Tatalikod na sana ulit ako nang maramdaman kong mas hinigpitan niya ang pag-kakataban niya sa braso. Sa puntong iyon ay nag-sink in na sa akin ang nangyayari.

Agad nag-init ang pisngi ko. Napayuko na lang ako. Ayaw kong makita niya na kinikilig ako dahil sa pag-aalala niya sa akin. Parang kaninang umaga lang nakita niyang nag-aaway kami ni Annalyn tapos ngayon ito ako at kinikilig na naman sa kaniya.

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong niya. Tumango na lang ulit ako at dahan-dahang tinanggal ang pag-kakataban niya sa braso ko. Lumabas na kaagad ako sa office at siniguradong hindi na niya ko maabutan.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag. Sa sobrang kilig ay hindi ko na napansin na malapit na pala ko sa gate ng University. Huminga ako ng malalim at naglakad na ng maayos palabas ng gate.

Nang makalabas ako ay hindi ko inaasahan na may kotseng naka-abang sa akin doon. Bumusina ang driver at ako lang naman ang tao doon bukod sa guard kaya hindi ko rin maiwasang isipin na ako nga ang sadya nang kung sino mang nasa loob ng kotse.

Bumaba ang bintana sa driver seat at laking gulat ko nang makita si Eman sa loob noon. Nakangiti siya sa akin.

"Miss, sabay ka na sakin." Alok niya.

Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa bigla. Parang kanina lang nasa harapan ko siya at umiiyak tapos ngayon ito siya at nakangiting nag-aalok sa akin na sumabay sa kaniya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Naputol ang pag-iisip ko nang may bumusina sa gawing likuran ko.

Muntik pa kong mapatalon sa gulat. Lumingon ako sa likod at isang kotse ang nakita ko. Gumilid ako para makadaan na ang kotse nang sa hindi inaasahan ay huminto ito sa tapat ko. Nagtataka na ako sa mga nangyayari.

Ibinaba ng kung sino mang driver ng sasakyang iyon ang bintana at nagulat ako nang makita si Matt na lulan ng kotseng iyon. Ngunit hindi tulad ni Eman ay nakabusangot na mukha ang bumungad sa akin.

"Get in." utos niya sa akin.

Mas lalo akong nalito sa kung ano na ba talagang nangyayari. Hindi ko inaasahan na may mag-aalok sa akin ng sakay. Balak ko kasing mamasaheros na lang eh. Kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon