CHAPTER 12

57 9 2
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.

DON'T FORGET TO VOTE AND FEEL FREE TO COMMENT.

HAPPY READING ZSCARLETS ^_^

CHAPTER 12

"Well, that's how I fell for you." yumuko siya at itinapat ang mukha niya sa akin.

"Still.... seeing you sad makes me sad too." Ayun na naman ang pagiging seryoso niya.

Wag mo sabihing nagtatapat na din siya sa akin. Nakaramdam ako ng kaba. Kinakabahan ako sa kung paano ko ba sasabihin sa kaniya na hindi ko siya gusto. Hindi katulad ng kaba na naramdaman ko kanina nang sabihin sa akin ni Matt na gusto niya ako.

Iba iyong kabang naramdaman ko noon. May kahalong sakit, lungkot, saya at mga hindi maipaliwanag na emosyon. Na parang naghalo-halo na. Ngayon tanging kaba lang ang nararamdaman ko.

"Jen... Matagal ko ng nararamdaman ito eh. Mula nung araw na iyon na umiyak ka sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay gusto kitang tulungan. Tulungan sa mga problema mo. Hindi ko alam kung bakit gusto kong makita kang masaya palagi. Hindi ko alam kung bakit." Nakatitig lang siya sa akin ng sabihin iyon. "Alam kong parang ang bilis naman pero ng mga sandaling iyon. May naramdaman akong hindi pamilyar sa akin. Pakiramdam na nagdulot sa akin ng saya na sa ganoong sitwasyon ay ako ang nadoon para sayo. Na parang ako ang comfort zone mo." Hindi ako nakapagsalita. Sa isip ko ay paulit-ulit kong pinapractice kung paano ko sasabihin na hindi ko siya gusto.

"Jen." Nahinto ako sa pagpapractice ng mga sasabihin sa utak ko ng tabanan niya ang mukha ko ng dalawang kamay niya. Napatingin ako sa mga mata niya ng gawin niya iyon.

"Gusto kita. Gustong-gusto." Eto na iyon Jen. Sabihin mo na.

"Shi... I'm sorry..." tinggal ko ang mga kamay niya sa mukha ko kahit na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko ng gawin iyon. "Pero... Hin¾" nanlaki ang mga mata ko nang ilagay niya ang hintuturo niya sa mga labi ko at hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

"Okay, okay. I understand. No need to say it." Natatawang sagot niya. Nakatingin lang ako sa kaniya kahit na natanggal na niya ang daliri niya sa labi ko. Tumayo siya ng deretso at ngumiti sa akin.

"I guess, hanggang kaibigan lanag talaga." Natatawa niya sabi. Napayuko naman ako sa hiya. Wala pa akong sinasabi na hindi ko siya gusto pero nalaman na niya kaagad. Nakakahiya.

"Sorry." Iyon na lang ang nasabi ko.

"It's okay. Pero masakit pala haha." Awkward na sabi niya. mas lalo tuloy akong nahiya. Ibang-ba ang naging reaksyon niya sa naging reaksyon ni Matt. O baka naman ibang-iba ang naging reaksyon ko nang sabihin ko sa kaniya na hindi ko siya gusto kaysa sa pagsabi ko kay Matt kanina.

"Sorry" wala na akong ibang maisip na sasabihin kaya puro hingi na lang ng tawad ang kaya kong gawin. Sa una pa lang alam ko ng masasaktan ko siya pero iba pa rin pala talag kapag nagawa mo na. Ayaw ko man pero ito ang tama.

Napuno ng awkwardness ang paligid. Biglang tumunog ang cellphone niya.

"Whoa. Ang bilis naman nila." Sabi niya ng tignan niya ang screen ng cellphone para makita kung sino ang tumatawag. Mukhang nahanap na nung inutusan niya kung nasan si JM. "Yes... Ang bilis niyo naman ata?.... Ah.... Okay sige, sige.. Bye." Tumingin siya sa akin nang matapos ang tawag. "Malapit lang pala siya dito kaya nahanap nila kaagad ang location ni JM. So,ano? Tara na?" tanong niya sa akin.

Parang walang nangyaring confession at rejection kanina. Balik sa dati niyang reaksyon ang mukha niya. Bilib ako sa kakayanan niyang umunawa. Kahit na ni-reject ko siya kanina kaswal pa rin ang pakikitungo niya sa akin ngayon at hindi pa rin siya nagdalawang-isip na samahan ako papunta sa kung nasan man si JM. Napaka-bait niya. Sobra.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon