CHAPTER 36

48 5 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ­^_^

CHAPTER 36

Tinanggal na niya ang ice pack sa noo ko at nilagyan niya ng band aid ang gasgas doon. Matapos noon ay uuwi na sana ako nang mag-alok siyang siya na ang maghahatid sa akin. Tumanggi ako syempre pero hindi niya ako hinayaang makalabas ng unit niya dahil malapit pa lang ako sa pintuan ay siya pa mismo ang nagbukas noon para sa akin.

Nang tignan ko siya ay nakasuot na siya ng isang mukhang mamahaling tsinelas at dala na rin niya ang susi ng kotse niya. Paano niya nagawa iyon ng ganoon kabilis? Bakit ba kasi ganito ang mga kilos niya? Nagsisimula na kasing umasa ang puso ko kahit na alam ko naman na imposible dahil may Annalyn na siya.

Ang utak ko, ang pinaghahawakan na lang ay iyong sinabi niya noong nagbakasyon kami sa Ilocos. Na totoong mahal niya si Annalyn at hindi na niya ako gusto, na kinalimutan na niya ako. Pero sa mga pinapakita niya, ang isiping iyon ay unti-unting natatabunan ng mga kilos na ipinapakita niya sa akin ngayon.

Gaya kanina, nang naka sakay na kami sa kotse niya ay siya ang nagkabit ng seatbelt ko. Nakakahiya na ang simpleng pagkakabit lang ng seatbelt ay hindi ko alam. Mas maganda siguro na pag-aralan ko rin para sa susunod ay ako na nag magkakabit noon sa akin.

Malapit na kami sa apartment ko nang mapansin ko ang limang kotseng itim na nakaparada sa harapan noon. Sino naman ang mga iyon?

Inihinto niya ang kotse niya malapit sa mga kotse at sa dami nila ay medyo napalayo iyon sa mismong apartment ko. Bumababa siya at nang binuksan niya ang pintuan sa gawi ko ay siya na rin ang nagtanggal ng seatbelt ko.

"Paano? Bukas na lang?" tanong niya sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot at binigyan siya ng isang tipid na ngiti.

"Mukhang may bisita ka ata? Mauna na ko kung ganoon. See you tomorrow. Dapat andun ka dahil may inihanda akong party for the students. Actually, ikaw na lang ang may hindi alam dahil sa nangyari kanina sa school. Ngayon alam mo na, kaya dapat pumasok ka bukas ah. That's an order from your boss." Pabirong sabi pa niya at itinuro pa ko habang may malokong ngiti sa mga labi. Tumango at ngumiti na lang ulit ako sa kaniya.

Sumakay na siya sa kotse niya at bago siya umalis ay bumusina muna siya. Hindi ko na talaga alam anong nangyayari. Bakit ganoon na siya makitungo sa akin? Para bang ung dating samahan namin ay nagbabalik. Samatalang unang beses kaming magkita ay itinuring niya akong parang isang hangin na dinadaan-daanan niya lang.

Naglakad na ko papunta sa apartment ko. Nagtataka talaga ako sa mga kotseng nakaparada sa harapan ng apartment ko. Sino naman kaya ang mga ito?

Nang malapit na ko sa apartment ko ay may naririnig akong nag-uusap na nagmumula sa loob ng mismong apartment ko. Napabilis ang lakad ko dahil doon. Paano sila nakapasok sa apartment ko ng ganun-ganun lang?

Pagbukas ko ng pintuan ay hindi ko inaasahan kung sino ang naabutan ko sa loob noon. Matapos ng lahat ng pag-hihirap ko ay basta-basta na lang silang pupunta dito sa apartment ko at papasok na walang pahintulot ko.

Sa haba ng panahong lumipas, hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko. Sa haba ng panahong lumipas, parang hindi ko na mahanap sa puso ko kung paano ko ba dapat sila batiin kapag nakita ko na sila.

Si Ate Marilyn, JM at isang matandang babae na hindi ko kakilala. May kasama rin silang mga lalaking naka-tuxedo at nakasalamin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Paano nila nalaman na nandito ako samantalang ako na anim na taon na silang hinahanap ay hindi ko makita-kita?

Kapansin-pansin ang magagarbo nilang damit. Si Ate na dati ay naka-t shirt at short o hindi kaya ay daster lang, ngayon ay nakasuot ng isang kumikinang pang bistida. Si JM na noon pati ang pinagliitan naming damit ay ang naisusuot lang ngayon ay mukhang mamahalin pang polo shirt at pantalon ang suot. May mga alahas pa silang nakasabit sa leeg at mga pulso nila.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon