CHAPTER 2

193 60 22
                                    

Dedicated to ScarsAreBlind

CHAPTER 2

Nginitian ko na lang si Matthew at hindi na sumagot pa.

"Guys. Maaga pa naman, gusto niyo gumala muna tayo?" si Annalyn pagkalabas niya kasama si Shi at Shirayuki galing sa locker room.

"Sige ba! Game ako diyan!" masiglang sagot ni Andrie.

"Ikaw Jen?" napatingin ako kay Matthew na nasa tabi ko pa rin pala.

"Pasensiya na. May gagawin pa kasi ako eh. Kayo na lang." Pero ang totoo niyan nagtitipid lang talaga ako. Sayang pa iyong pera na gagastusin ko.

Sabay-sabay na kaming lumabas ng gate ng school at doon na lang daw sila gagala. Para daw kahit papaano ay iyong parte ng school na iyon ay makabisado nila. Naglakad na lang ako papalabas ng main gate. 

Alas-tres na ng hapon pero hindi naman ako naiinitan sa nilalakadan ko dahil natatabingan ng matataas na puno ang masakit sa balat na sinag ng araw. Ang dinadaanan ko ay para sa mga pedestrian lang talaga kaya hindi ako nangangamba na may dumaang sasakyan. Nasa likod ko pareho ang mga kamay ko habang naglalakad. Ninanamnam ko ang ihip ng hangin habang napikit ang aking mga mata. 

Bigla'y naisip ko ang mga sinabi ni Matthew sa akin kanina. Natawa na lang ako ng maalala ko ang mga iyon. Binilisan ko na dahil malayo-layo pa ang lalakadin ko at nang makalabas ako ng main gate ay agad na akong sumakay ng trycicle para makauwi agad. Tutulong na lang ako kila Mama sa bahay kaysa maglakwatsa at gumastos ng pera. Pagkatapos noon ay saka na lang ako magrereview para sa exam.

Malapit na ako sa amin ng may makita akong kotse sa tapat ng bahay namin. Nang huminto ang sinasakyan kong trycicle ay bumaba at nagbayad na ako kaagad. Ano kayang meron? Sino kaya ito? Pinagmamasadan ko ang kotse habang naglalakad papalapit sa maliit naming bahay. Paglingon ko sa bahay namin ay nakita ko ang mga bisita namin. 

Pagpasok ko sa bahay ay binati ko sila at nagmano kila Mama at Papa. Dumeretso na ako papasok sa kuwarto namin at nagulat ako ng maabutan ko sila Ate Marilyn at JM na nasa bungad ng pintuan. Mukhang nakikinig sila sa nag-uusap sa labas dahil medyo hinawi pa nila ang kurtinang nagsisilbing pinto ng kwarto namin para makinig.

"Ano bang meron? Sino ba iyong mga iyon?" tanong ko sa kanila habang ibinababa ang backpack na dala ko.

"Mga teacher ni JM." Tanging sagot ni Ate na hindi manlang nag-abalang tignan ako dahil abala sa pakikinig sa mga nag-uusap sa labas.

"Ano namang ginagawa nila dito?" Habang abala ako sa paghahanap ng damit kong pambahay sa lalagayanan namin. Napatingin ako sa kanila nang wala akong matanggap na sagot. Nagulat ako ng Makita kong umiiyak si JM.

"JM! Bakit?" Nag-aalala ko siyang nilapitan at inalo.

"Mukhang kukunin ka na nga talaga nila. Pumayag na sila Mama at Papa eh." Napatingin ako kay Ate nang sabihin niya iyon.

"Anong kukunin?" nagtatakang tanong ko habang inaalo pa rin si JM na hanggang ngayon ay iyak pa rin ng iyak.

"Nagpunta dito ang mga teacher niya dahil gusto siyang dalhin sa Maynila at doo'y sila mismo ang magpapaaral at mag-aalaga sa kaniya. Sayang daw kasi ang talino ni JM kung dito lang din siya sa atin mag-aaral."

"Ano?" naramdaman ko namang lalong umiyak si JM kaya ipinagpatuloy ko ang pag-alo sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit habang hinihimas ko ang ulo niya.

"Ditche. Ayoko. Ayokong sumama sa kanila." Umiiyak na sambit ni JM.

"Shhh. Wag ka ng umiyak. Hindi. Hindi ka sasama sa kanila. Hmm?" Hindi ako makapapayag na kunin nila si JM. Sa aming mahihirap pinaka importante na iyong buo kaming pamilya at hindi ako papayag na may mawala sa amin, kahit isa.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon