CHAPTER 30

54 4 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 30

"Bagay daw tayo. So, ano? Wanna try?" nakangiting sabi ni Shi.

"S-Shi." Sa kawalan ng sasabihin ay natawag ko na lang ang pangalan niya.

"Why not Jen? 'Di ba? Well, we all know naman na noon pa lang talaga may gusto na sayo si Shi baka nga ngayon hindi ka na lang niya gusto eh. You know Shi. Shi, knows you. Bakit hindi niyo subukan? Hindi ba Babe?" sabi ni Annalyn sabay lingon kay Sir Alvarez.

Nakakunot pa rin ang noo niya at mababasa ang inis sa mukha niya.Sa halip na sumagot ay tumalikod ito sa amin at naglakad palabas ng kwarto. Naiwan ang shades na dapat sana ay kukunin niya na nasa kama na ni Andrie ngayon.

Napatingin ako kay Annalyn. Kitang-kita ko kung gaano kairita ang mukha niya dahil sa pagwa-walk out na ginawa ni Sir Alvarez. Nagulat rin ako sa pag-alis niya. Para kasing iyong agam-agam ni Annalyn ay napatunayan niya nang gawin niya iyon.

Alam kong mainit talaga ang dugo ni Annalyn sa akin dahil sa nangyari noon. Ngayon naman sila na ni Sir Alvarez kaya alam kong mas lalo siyang nagalit sa akin. Lalo na at kahapon lang ay nag-away sila dahil sa pag-lalagay ko ng damit sa cabinet nila.

Si Annalyn ay parang isang asawa na nagsususpetya sa kaniyang asawa na nangangaliwa ito. Hindi niya lang makumpronta dahil sa wala siyang ebidensya. Pero sa ginawa ni Sir Alavrez ngayon ay panigurado akong ang suspetya niya ay nagkaroon na ng patunay, ng ebidensya.

Agad na tumayo si Annalyn na nakabusangot ang mukha. Hinablot niya ang shades na nasa kama ni Andrie at naglakad palabas. Iniwan kami ni Shi na parehong nakatingin sa nilabasang pintuan nilang mag-nobyo.

"Away na naman iyan, panigurado." Napalingon ako kay Shi ng sabihin niya iyon.

"Ganyan naman sila madalas eh. Mag-babati din iyang dalawa na iyan. Lilipas din ang selos nun." Nakangiting sabi niya sa akin sabay tingin.

Itinuloy niya ang pag-papakain sa akin. Matapos kumain ay pina-inom niya rin ako ng gamot. Nag-paalam siyang ilalabas lang ang pinagkainan ko at babalik din kaagad. Magdadala na rin daw siya ng isang pitsel ng tubig para kung mauuhaw ako ay may iinumin ako mamaya.

Pagkalabas niya ay hindi muna ako humiga at sumandal lang ako sa head board ng kama. Magpapababa muna ako ng kinain. Habang nakasandal ay hindi maiwasang mag-layag ng isip ko. Maglayag sa karagatan ng aking isipan, karagatang dati'y patuloy lang na umaagos ngayon ay binabayo na ng bagyo.

Kung dati ay patuloy lang ako sa buhay. Naka-plano na ang lahat na hahanapin ko ang pamilya ko at para magawa iyon ay pagbubutihan ko ang trabaho ko. Kumikita na ako ng pera kaya hindi na rin ako nahihirapan kung paano ako mabubuhay. May maayos na akong tirahan at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, sapat na.

Ang iniisip ko lang noon ay kung paano mahahanap ang pamilya ko pero ngayon, iba na. Wala pang isang linggo nang magkita-kita kami ulit pero pakiramdam ko napakarami ng nangyari.

Hindi na lumulubay ang isip ko sa pag-iisip ng kung ano-ano. Mula sa pag-amin ni Shi, sa mga sinabi ni Sir Alvarez kagabi at sa naging reaksyon niya kanina. Ayaw ko man ay hindi ko maiwasang maramdaman na naman ang naramdaman ko noon para sa kaniya.

Kung tutuusin, kaming dalawa lang ang nagkaroon ng pagkakataong magkita matapos ang graduation ceremony. Ngayong naalala ko ang tagpo naming iyon, hindi ko maiwasang maramdaman ulit ang pakiramdam na gusto ko siya.

Alam kong hindi na dapat kasi nobyo na siya ni Annalyn at mas marami pa akong dapat na i-prioritize kaysa sa mga ganoong bagay pero hindi ko mapigilan ang damdamin ko. Ayaw ko man ay hindi ko mapigilan. Kusang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit siya at para akong hindi makahinga.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon