CHAPTER 42

34 4 1
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 42

"Pero..." humiwalay siya ng yakap at tinitigan ko lang ang mukha niya, hinihintay ang sasabihin niya. "Bakit hindi ka sa akin nagsabi? Bakit sa iba ko pa nalaman?"

"Matt?" Nagtatakang tanong ko.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi na ganoon pala ang pinagdaanan mo? Bakit?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Paano—"

"Sinabi sa akin ni Shi. Kaninang umaga ay tumawag siya sa akin at sinabi niya ang lahat. Alam kong hindi dapat siya ang nagkwento pero sa tingin ko ay nag-aalala talaga ang lokong iyon sa iyo kaya tinawagan na niya ako. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong kwenta. Ako iyong mahal mo pero ako ang hindi nakakaalam ng mga nangyari sa buhay mo." Malungkot na sabi niya.

"Matthew." Nasabi ko na lang at niyakap ko siya ng mahigpit. "Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo. Noong Foundation Day lang tayo nagka-ayos tapos kinabukasan noon ay...ay—"

"I know."putol niya sa sasabihin ko. "Hindi naman ikaw ang sinisisi ko kundi ang sarili ko. Bakit ko pa kasi pinatagal ng ganoon katagal kung pwede namang unang beses pa lang nating nagkita ay narealize ko na agad na ikaw pa rin pala ang mahal ko? Nabulag ako ng galit at sakit. Natakot din ako dahil kami pa ni Annalyn at ayaw ko rin naman siyang saktan.

"Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa Shi na iyon kasi kundi dahil sa kaniya hindi ko marerealize na mahal pa rin pala kita. Salamat na lang din sa pabakasyon ni Andrie. Kaya mula ngayon ay ipinapangako ko na lagi lang akong nandito. Handa akong damayan ka sa mga problema mo at handa rin akong makinig sa kahit anong gusto mong sabihin. Mahal na mahal kita Mitch at mamahalin kita sa buong buhay ko." Naiyak na lang ako sa mga sinabi niya.

Sa dami ng mga problemang mayroon ako ay nagpapasalamat ako na nandito si Matt sa tabi ko. Kahit ano talagang mangyari, kahit na si Shi pa ang nakapagligtas sa akin at siyang unang nakarinig ng lahat-lahat ay iba pa rin talaga ang kapayapaan at kasiyahang nararamdaman ko kapag si Matt ang kasama ko, walang magpagsidlan. Humiwalay ako sa yakap niya at tinitigan ko ang mga mata niya.

"Ako rin. Mahal—"

"Tama na ang dramahan. Bumababa na kayo at handa na ang pagkain. Malalim na rin ang gabi baka magkasakit pa kayo dahil sa lamig ng hangin diyan." Singit ni Shi. Tinignan ko siya na nasa gawing likudan ni Matt.

"SHISUKE TSURU!!" Sigaw ni Matt. Humiwalay siya ng yakap sa akin at humarap sa gawi ni Shi. Si Shi naman ay naka-peace sign lang sa kaniya at may malokong ngiti sa mga labi.

"Humanda ka sa akin kapag nahuli kita." At kumaripas na ng takbo si Shi pababa ng rooftop at agad naman siyang hinabol ni Matthew. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Tumingala ako sa kalangitan at hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa mga labi ko. Tinitigan ko ang mga bituin. Sila ang saksi sa lahat ng mga nangyari ngayon.

"Mahal na mahal din kita." Bulong ko sa hangin na siyang dapat na sasabihin ko kay Matthew kanina. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang pag-ihip ng hangin na tila parang sumagot ito sa sinabi ko.

"Mitch. Tara na." idinilat ko ang mga mata ko at sa huling pagkakataon ay ngumiti ako sa langit na puno ng mga bituin.

"Andiyan na." Nilingon ko si Matt na nakalahad ang kamay at inaaya ako. Tumakbo ako palapit sa kaniya. Sa oras na naglapat ang mga kamay namin ay sinigurado ko ng hinding-hindi na kami magkakahiwalay pa.

Matapos ang lahat ng nangyari sa buhay ko ay sa kaniya rin pala ako babalik. Ang dating binitawan ko ay ito at mahigpit na taban-taban ko ngayon.

Gaya ng sabi ko ay gusto ko munang tumakas sa reyalidad kahit panandalian lang. Ngayong nandito na rin naman kami sa probinsya ay mas makakapagrelax ako.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon