CHAPTER 29

57 4 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING! ^_^

CHAPTER 29

"Jen, mahal kita pero kapag ito hindi mo isinubo iba ang isusubo ko sayo." Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kaniya.

Kitang-kita ang gulat sa mga mata ko. Agad akong pinamulahan ng mukha. Parang na-realize naman niya ang sinabi at nakita kong namula ang tenga niya. Napa-ubo na lang siya ng peke, mukhang nahiya rin sa sinabi.

"A-Ang ibig kong sabihin ay itong hatdog ang isusubo ko sa—" mas nanlaki ang mga mata ko at mas namula ang mukha ko sa sinabi niya. Napahinto siya kaagad sa sinabi at narinig ko pa ang mga pagbulong niya ng mga mura. Napayuko na lang ako at ayokong makita niya ang pamumula ng mukha ko.

Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano sa mga sinabi niya. Hindi ako ganoon ka-inosente sa mga ganoong bagay. Kahit papaano ay kapag nagkukwentuhan kami ng mga co-prof ko ay may nasasaling ganoong usapan. Ang awkward lang talaga.

"Aishh! Sabi ko naman kasi sayo ako na eh." Nagulat naman ako at napatingin agad sa kaniya nang sabihin iyon. Inis ang nakita ko sa mukha niya. "Ayan tuloy, kung ano-ano ng nasabi ko." nakakunot ang noo na sabi niya.

Hindi naman ako nakasagot. Natameme na lang ako na nakatingin sa kaniya. Hindi alam ang isasagot sa sinabi niya. Nakatingin lang din siya sa akin. Kita pa rin ang pamumula ng mapuputi niyang pisngi at tainga. Mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa. Walang nagsasalita at nakatingin lang kami sa isa't isa.

Nagulat ako nang dahan-dahang lumalapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanlalaki na naman ang mga mata ko pero wala naman akong magawa o kahit na ang umiwas dahil parang pinipigilan ako ng mga tingin niya. Napalunok na lang ako.

Huminto siya sa pag-lapit ng mga ilang pulgada na lang ang layo ng labi niya sa labi ko. Unting dasog pa niya ay magdidikit na ang tungki ng mga ilong namin. Hindi ako makahinga dahil sa sobrang lapit niya.

Sa mga mata niya lang ako nakatingin habang siya ay sa mga labi ko pumirme ang mga mata. Kinabahan ako sa isiping baka halikan niya ako. Hindi makapag-isip ng maayos ang utak ko dahil sa ginagawa niya. Nakita kong gumalaw ang adams apple niya nang napatingin ako sa ibaba.

Sa pagtingin ko pataas ay hindi sinasadyang nakita ko ang mga labi niya. Napakapula noon lalo na at sobrang puti niya na bumagay sa kaniya. Parang puso ang korte ng mga labi niya. Kung sino mang babae ang makakakita sa mga labi niyang iyan ng ganito kalapit ay paniguradong agad siyang susunggaban ng halik. Pero hindi ako kasama sa mga babaeng iyon.

Kahapon lang ay nag-confess siya sa akin na mahal niya ako. Noong ginawa niya iyon noon, ang sabi ko ay kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. Hanggang ngayon ay sigurado akong ganoon pa rin. Pero hindi tulad noon na may iba akong gusto, ngayon kasi ayaw ko lang talagang pasukin ang parte ng buhay ko na iyon. Alam kong darating din ang tamang oras para sa mga ganitong bagay.

Nang akma pa siyang lalapit ulit ay iniiwas ko ang ulo ko at tumingin sa kaliwa. Sa kanang pisngi ko tumama ang halik niya, pero kahit ganoon ay nabigla pa rin ako. Akala ko kapag umiwas na ako ay hihinto siya kaya hindi ko inaasahan na itutuloy niya pa rin at sa pisngi ko nga siya naka-halik.

Hindi niya agad inalis ang mga labi niyang naka-halik sa pisngi ko. Napalunok na lang ako. Walang gumagalaw sa aming dalawa. Parang huminto ang mundo at nag-freeze kami. Makalipas ang ilang minuto ay saka niya lang tinaggal ang pagkakahalik niya sa pisngi ko. Dahan-dahan at napaka-bagal.

Tumingin lang siya sa mga mata ko pagkatapos. Agad ko naman iniiwas ang tingin ko at napatingin ako sa gawing pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nakatayo sa pintuan. Para akong tinakasan ng kaluluwa nang makita ko siya.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon