CHAPTER 48

28 1 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 48

Inabutan naming sa loob ang mas marami pang tauhan ni Mami at pare-pareho silang mga nakapurong itim na suit. Sumunod lang kami sa mga tauhan ni Mami nang makarating kami sa gawing gitna ng building at doon ay may hindi ako inaasahang tao na makikita.

Si Jerick...naka-suit, pero hindi katulad ng mga tauhan ni Mami ay kulay maroon ang suot niya na pinalolooban ng puting polo at tinernohan maroon na tie. Galit ang una kong naramdaman.

"Gago ka!" biglang sigaw na Shi at balak niya nang sugurin si Jerick nang pigilan siya ng isang babae. Tinabanan siya nito sa balikat kung saan may sugat siya at kita ko kung paano diniinan ng babaeng iyon ang pagkakataban sa balikat niya. Halos mamilipit sa sakit si Shi at wala akong nagawa kung hindi ang alalayan siya nang halos mapaluhod na siya sa sobrang sakit.

"Don't you dare." Seryosong sabi ng babae kay Shi, walang kaemo-emosyon. Hindi naman malaman ni Shi kung ano ang gagawin dahil sa sakit na nararamdaman. Nag-aalala ko siyang tiningnan pero hindi ko alam kung paano siya tutulungan. Wala akong nagawa kung hindi ang tumungin sa gawi nila Mami at Jerick. Hindi man ako nagsalita pero sinigurado kong makararating sa kanila ang pagmamakaawa ko sa pamamagitan ng tingin ko.

"Yamero, Mina." Sabi ni Jerick at awtomatikong binitawan ng babae si Shi. Muling dumugo ang sugat ni Shi at halos maging pula na ang gawing balikat ng puting t-shirt niya. Hanggang ngayon ay lukot pa rin ang mukha ni Shi sa sakit na nararamdaman. Inalalayan ko na lang siyang tumayo.

"Hindi ka pa rin nadala. Ayan tuloy. Hindi ko na kasalanan iyan ah." Pa-inosenteng sabi ni Mami. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at iyong babae kanina ay nasa tabi na ni Jerick.

"Sinabi ko naman sa'yo Mina na huwag kang kikilos hangga't hindi ako nagbibigay ng utos. Hindi ba?!" Pasigaw na sabi ni Jerick sa babaeng nag-ngangalang Mina.

"Patawarin ninyo ako Master. Ngunit ginawa ko lamang din po ang ipinag-utos ninyo na protektahan kayo ano mang oras. Kaya kung titingnan po ninyo ay kumilos lamang ako base sa utos niyo." Sabi noong Mina habang medyo nakayuko.

"Aba't sumasagot ka pa talaga!" napataban na lang sa noo si Jerick at ikinumpas na lang ang kamay niya sa harapan ng babae, pinapaalis ito. Tumalima ang babae at umalis sa tabi ni Jerick pero ilang metro lamang ang layo.

"Huwag mo siyang kagalitan, Moshi. Prinotektahan ka lamang niya, kagaya nang sabi niya." At tinapik pa ni Mami ang braso ni Jerick. Biglang lumingon sa gawi namin si Jerick at nagtama ang mga tingin namin. Wala akong ibang nararamdaman kundi galit na paniguradong kita sa mga mata ko at sinigurado kong makikita at mararamdaman niya iyon. Sa talim ng mga tingin ko sa kaniya ay siya na ang unang umiwas ng tingin.

"Now! Now! Now!" sabi ni Mami at sinabayan pa niya ito ng tatlong palakpak kada salita. Tumingin kami ni Shi sa gawi niya. "Come here Jenny, I want you to be beside of your fiancé. Not with that weak boy." Sabi niya.

"Jen." Agad kong naramdaman ang pagpigil ni Shi sa akin wala pa man din akong ginagawa. Tinignan ko siya at agad niya akong inilingan.

"Pero Shi, naka-oo na ko sa kaniya." Sabi ko na lang. Tinabanan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at pilit iyong inalis pero mas hinigpitan pa niya ang kapit. "Shi naman." Nasabi ko na lang.

"I told you, you don't have to do this. There are other ways to solve your problems, not like this Jen." Nagmamakaawang sabi niya.

"Shi, please. Kapag pinigilan mo pa ko baka mapahamak ka na naman. Hayaan mo na ko. Kaya ko ang sarili ko. Huwag kang mag-alala." Ngumit ako para sana mas ipakita sa kaniya na ayos lang talaga pero mukhang hindi siya naniniwala sa mga ngiti maski na sa mga sinabi ko.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon