EPILOGUE

59 3 2
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

EPILOGUE

Busy ako sa pagbasa ng mga papeles sa harapan ko at may dalawang tore pa ng mga iyon sa gilid ng desk ko. Kasalukuyan kong binabasa ang isang company investment proposal nang pumasok ang sekretarya ko na may dala pang isang bungkos ng papel. Nabitawan ko na lang ang hawak kong papel at napahilot sa sintido ko.

Mula nang magsimula ako magtrabaho noong isang lingo, araw-araw na akong nagbabasa ng kung ano anong papeles at paminsan-minsan ay ipinapatawag ako para sabihan na kailangan kong umattend sa isang meeting para maihanda ako sa pagtatake-over ko sa company next month.

"Ma'am, ito pa daw po sabi ni Madam." Sabi ng sekretarya ko.

"Pakilagay na lang diyan." At itinuro ko ang lamesa sa pagitan ng mga couch sa harapan ng desk ko.

"Sige po, Ma'am." At umalis na ang sekretarya ko pagkababa niya sa mga papel. Pati kung sino ang magiging sekretarya ko ay si Mami ang pumili. Wala naman akong magawa kung hindi ang sumunod lang sa kaniya.

Ipinikit ko muna ang mga mata ko at isinandal ang likod sa swivel chair. Masakit na ang likod ko, kaninang umaga pa ako naka-upo mula nang dumating ako sa opisina. Hindi ko napansin na naka-idlip na pala ako sa pagod.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang lumulutang ako. Pagmulat ko ay bumungad sa akin si Jerick na kasalukuyan na akong ibinibaba sa couch. Agad ako napabangon pero tinabanan niya ang balikat ko at pilit akong pinahiga ulit.

"Take a rest, you look tired. Paggising mo saka tayo mag-lunch." Suhestyon niya pero hindi ako nakinig. Bumangon ako ulit at tumayo agad para balikan ang mga naiwang trabaho sa lamesa ko.

"I'm fine and I still have many things to do. Mamaya na ako maglu-lunch. You can leave." Diretsong sabi ko habang itinuon ulit ang tingin sa mga papel sa harapan ko.

Mula noong kasal ay ginawa ko ang lahat para iwasan si Jerick. Alam kong imposible dahil magkasama kami sa iisang bahay, ang malaking mansyon ni Mami na ibinigay niya na sa amin bilang regalo. Isama pa na asawa ko na siya at ginagawa niya ang lahat para magkalapit kami pero ginagawa ko rin ang lahat para makaiwas.

"Hanggang kalian mo ko iiwasan?" rinig kong tanong ni Jerick pero itinuloy ko lang ang pagbabasa ko at hindi siya pinansin. "Alam kong napilitan ka lang na pakasalan ako pero pansinin mo naman ako. Kahit hindi na bilang asawa mo, kahit na bilang kaibigan na lang. Katulad ng dati." sabi niya.

Hindi ko siya pinansin at itinuloy ko lang ang ginagawa. Kahit ano pang sabihin niya, malabo nang maibalik kung ano man ang turing ko sa kaniya noon. Ni ang tigan nga lang siya ay parang ayaw ko pa. Ang katotohanan na lang na siya ang dahilan kung bakit nahanap namin ang puntod ni Mama ang nagbibigay ng lakas sa akin para hayaan siyang makasama ako.

"Sige. Kung ayaw mo talaga akong kausapin, ayos lang. I'll wait until the time comes na gusto mo na akong kausapin. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal. I prepare this, eat it kapag nagutom ka na." Sabi niya bago umalis ng opisina ko pero hindi pa rin kinalimutang ipaalala na kainin ko ang lunch na dala niya.

Mula nang araw na iyon sa opisina ay hindi na ako kinulit ni Jerick. Hindi na rin siya nagpupumilit na lumapit sa akin. Ibinigay niya ang space na sinabi niya. Hanggang sa dumating ang araw na na itatake-over ko na ang pamamahala sa kumpanya. Mula rin noon ay hindi na siya umuwi sa mansyon.

Ngayon ay mag-iisang buwan na mula nang maging ako ang official CEO at nagtataka na rin ako kung bakit nananahimik si Mami. Kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Parang kapayapaan bago ang bagyo at hindi nga ako nagkamali dahil bigla akong ipinatawag ni Mami.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon