CHAPTER 49

27 0 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 49

Matapos ang tagpong iyon sa lumang building ay mabilis na lumipas ang mga araw. May pinapirmahan sa akin si Mami na mga papeles. Syempre hindi ako pumirma nang hindi nababasa ang laman ng mga iyon. Iyon ang kontrata namin na naglalaman ng aming mga kasunduan.

Matapos kong intindihin at pumirma roon ay agad niya akong dinala sa isa pa sa mga mansyon niya. Ngunit hindi katulad ng iba, mas malawak ito dahil bukod sa malaking mansyon sa gitna ay may dalawa pang may kalakihang mga bahay sa magkabilang gilid noon. Kita agad ang mga iyon matapos makapasok ng kotse na sinasakyan namin sa loob ng malaking gate. Malayo ang gate sa mga bahay at bubungad ang malawak na sapa na may mga nakalutang na waterlily.

Nataon na maganda at maaliwalas ang panahon ngayon kaya may mga kasambahay akong nakikita na piniling ngayon maglinis sa malawak na garden sa kabilang bahagi ng sapa. Matapos naming lagpasan ang sapa, katulad noong naunang mansyon ay may fountain din ito sa harapan at mas malaki ito.

Huminto ang kotse sa mismong tapat ng malaking pintuan. Agad na bumababa ang secretary ni Mami at tinulungan ang matanda na makalabas ng kotse. Lumabas ako ng kotse mag-isa at hindi pa rin maalis ang pagkamangha sa mukha ko sa ganda ng mansyon. Naalala ko na noon ay gusto ko rin ng mansyon para sa pamilya namin.

Wala akong alam sa mga disenyo ng bahay pero hindi ko maikakailang ito ang pinaka-magandang bahay na nakita ko. Pero panigurado akong ito ang magiging pinakamalungkot na bahay na titirahan ko. Tama. Dito ako titira, iyon ang sabi ni Mami. Naalala ko tuloy kung paano ko inimagine ang magiging itsura n'on noon. Ngayon mararansan ko na ngang tumira sa ganito kagandang bahay pero ang pamilya ko naman ang wala na at hindi na buo. Nang tuluyang makababa si Mami ay sumunod na lang ako sa kaniya.

"Welcome!" malakas na sabi niya habang nakatalikod at nakabuka ang pareho niya mga braso. "Welcome to hell!" at tumawa pa siya na parang isa siyang kontrabida sa isang pelikula.

Ngayon pa lang ay hindi ko na nagugustuhan ang awra ng bahay na ito. Pakiramdam ko ay talagang magiging impiyerno ang buhay ko dito. Pero ngayon pa ba ako susuko? Noon nga sa isang iskwater lang ako nakatira at araw-araw pinoproblema ang kakainin, ngayon pa ba na may mansyon akong titirahan at paniguradong maraming pagkain sa loob.

Kailangan kong maging positibo, hindi man matapatan noon ang negatibo at panget na awra ng bahay na ito. Bukod sa pamilya ko ay iyon lang din ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob noong mga panahong nahihirapan ako kaya iyon lang din ang gagawin ko ngayon. Mahirap at masakit man para sa akin ay pilit kong kakayanin.

Kagaya noong una ay dinala niya ako sa office niya sa mansyon na ito. Mas malawak iyon at mas malaki rin ang sofa set kung saan niya ako pinaupo.

"Call him." Utos ni Mami sa secretary niya. Agad iyong may tinawagan sa cellphone.

Narinig kong bumukas ang pintuan at awtomatiko naman akong napalingon doon at ganoon na lang ang gulat ko nang makita si JM, si JM na sobrang laki na. Mukhang hindi na siya iyong iyaking JM noon.

"JM!"

"Ditche!" sabay naming sabi.

Agad akong tumayo para sana yakapin siya pero hinarangan ako ng mga tauhan ni Mami. Napalingon ako sa kaniya na may nagtatakang tingin.

"Not yet, iha. Sign this first. Baka nakakalimot ka." At iwinagayway niya ang ilang piraso ng papel. Noon ko naalala ang kasunduan namin.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa lamesa niya. Binasa ko ang unang pahina ng mga papel at nabasa nga na ito ay kontrata patungkol sa pagmamanage ko ng sinasabi niyang kompanya. Nagtatalo ang isip ko kung babasahin ko pa ba ng maiigi ang mga nakasulat o pipirma na lang agad para mayakap at makasama ko na si JM.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon